Barrakz Bar owned by 12 celebrities now open in Quezon City


Business partners Allan K (left), Dennis Trillo (right) and Diana Zubiri (center) attend the grand opening of Barrakz Bar.



Finally ay officially open na ang Barrakz bar and resto along Tomas Morato Avenue in Quezon City.

Halos puro celebrities ang 12 investors ng Barrakz—namely Allan K, Jaya, Dennis Trillo, Diana Zubiri, Katrina Halili, Alfred Vargas, JC de Vera, Jackie Yllana (wife ni Anjo Yllana), Mark Aquino (husband ni Ruby Rodriguez), Manolo Tanquilut (of the singing group The Opera), Lito Alejandria (business partner ni Allan K. sa Klownz at Zirkoh), and Wesley Gonzales (of PBA's San Miguel Beer team).



Industrial ang design ng three-level bar na military barracks ang concept. Open air ang part ng second level and the entire third floor kung saan may dalawang malalaking mock-up military trucks na puwedeng kumain at mag-inuman sa loob.



Kuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng major investor na si Allan K during the grand opening of Barrakz last July 5, January 2006 pa raw nila nakuha 'yung lease contract nito pero inabot ng one year and a half ang planning, designing, and the actual construction ng 3-storey building na nasa dating location ng Tubbataha resto-bar.

Si Allan mismo ang nagpa-design sa architect at kumuha ng geodetic engineer dahil sa kanya galing ang military concept ng bar. Nakailang palit din daw siya ng architect dahil 'yung iba ay hindi niya gusto ang design.

Even the 12 investors ay siya rin ang pumili, hindi puwedeng kung sino lang ang gustong sumosyo. Ang share daw nila rito ay depende sa kanilang in-invest dahil hindi sila pare-pareho ng ibinigay na capital.

Nasa P12M ang estimate ni Allan ng total cost ng Barrakz. Tanong ng PEP, hindi kaya sila magkaproblema na labindalawa silang magkakasosyo rito?

"Hindi naman," sagot ni Allan. "Sinabi ko kasi na gusto kong patikimin ng tinatawag na negosyo 'yung ibang artista. Kasi, hindi naman habang buhay kaming artista, e. So, inimbita ko sila at pinaliwanag ko sa kanila na ganito ang magnegosyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya pa, "Ang ikinaiba nito sa Zirkoh at Klownz, e, hindi comedy bar ito. Walang entertainment, talagang plain inuman lang siya. Pero kung bar lang siya na wala man lang ka-concept-concept, e, mag-inuman na lang tayo sa kalsada, di ba?

"Actually, noon ko pa gustong magbukas ng ganitong bar na walang entertainment at wala ring entrance fee. Pero as I have learned, karamihan pala ng mga ganito, pag Fridays and Saturdays, may entrance fee para lang sa crowd control. Halos lahat pala ganun. Tutal, mura lang naman ang beer namin at saka food," sabi ng comedian-TV host.



Isa pang ikinaka-excite ni Allan is the fact na puwede nilang i-open for franchising ang Barrakz.

"Ang Klownz at Zirkoh kasi, hindi siya puwedeng mag-franchise," paliwanag niya sa PEP. "Ang daming nagmamakaawa sa amin na gustong mag-franchise, hindi naman puwede. Kasi, hindi naman siya Klownz at Zirkoh kung wala akong show. E, lima na ‘yan...anong oras pa akong magsu-show sa kanila, hapon?!

"Kaya nagbukas ako ng ganito. Wala naman siyang entertainment so, puwede na siyang mag-franchise."



Nakita ng PEP sa grand opening ng Barrakz sina Maureen Larrazabal, Jimmy Santos, Ruby Rodriguez and husband Mark Aquino, Julia Clarete and hubby Stephen Uy, Aiza Marquez, Jeffrey Hidalgo, Sugar Mercado, and the EB Babes.

Busy naman sa pag-e-entertain ng guests at customers ang celebrity investors na sina Allan, Dennis, Diana, Katrina, Alfred, Jaya, JC, and Wesley.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN