Court reportedly grants annulment of Diether Ocampo and Kristine Hermosa


Rumor has it that the court has already granted the annulment that Kristine Hermosa filed to nullify her marriage to Diether Ocampo.



May naglalabasang balita na finally ay annulled na raw ang kasal nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa sa isang bayan sa Nueva Ecija. Ayon sa dalawa, nang lumabas ang balitang ikinasal sila, tila hindi naman seryosohan ang pagpapakasal nila. Nagkataon nga lang na ang mayor mismo na nagkasal sa kanila ay na-file ang marriage certificate nila, kaya naging legal ito.

Matatandaang nagpakasal sina Diether at Kristine sa isang civil rite sa Nueva Ecija noong September 12, 2004, pero nag-file ng annulment ang aktres ng annulment noong June 21, 2005.

Pero ayon pa rin rin sa mga balita, since both camps are still quiet about the issue, napawalang-bisa na raw ng korte ang naturang marriage. Kamakailan lang daw lumabas ang resolusyon ng korte, pero tila minabuti ng dalawa na huwag munang magbigay ng anumang pahayag tungkol dito. Pero balita rin na alam na ng kani-kanilang pamilya ang annulment ng kanilang kasal.



Dahil dito, hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Diether Ocampo sa isyung ito. Noong una'y nakikipag-set sana ng appointment ang PEP kay Diether for an interview, pero ang reply nito sa text message namin ay, "About what?"



Sa pagte-text muli ng PEP, biniro namin si Diether na bakit ba parang may iniiwasan siyang sagutin. "Alam n'yo naman ako..." ang sagot nito at kasunod muli ang tanong na, "About what?"



Kaya through text, tinanong ng PEP kay Diether ang tungkol sa isyung null and void na ang pagpapakasal nila noon ni Kristine, and they're single again dahil nakuha na nila diumano ang court resolution.



Pero 'yun nga lang, kahit annulled na ang kasal nila, tila wala naman daw itong saysay dahil magpahanggang ngayon daw kasi, it's still Kristine and Diether. At ang next plan nila ay ang muling pagpapakasal, this time, legal na sa lahat at aware na rin ang mga mahal nila sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang sagot ni Diether:

"Court resolution? I haven't received anything yet. I was just in the US to attend an event for our US-based magazine called Baby Couture... We're quite busy preparing for our projects for KIDS Foundation. I was just in Cebu and met up with a kid that we are sponsoring for an open heart surgery."

Hindi man direktang sinagot ni Diether ang aming tanong, lumalabas na itinatanggi nito ang balitang natanggap na nila ni Kristine ang annulment resolution.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN