Ara Mina: "Hindi pa ako naghihirap."


"Ano naman ang pakialam nila sa gusto kong gawin sa mga nabili ko nang properties gaya ng bahay at condo units?" says Ara Mina about rumors that she is selling her properties.



Ayaw na sanang patulan ng sexy actress na si Ara Mina ang balitang nagbebenta na siya diumano ng kanyang mga properties at naghihirap na. Pero walang tigil ang pagte-text sa kanya at pagtawag ng mga reporters hinggil sa nasabing isyu.



"Napaka-personal naman kasi ng isyu," sabi ni Ara. "Na kinakalkal kung ano ang mga properties o investment ko. Ano naman ang masama kung meron akong ibenta, ang mga properties ko? Ano naman ang pakialam nila sa gusto kong gawin sa mga nabili ko nang properties gaya ng bahay at condo units?

"May plano kasi akong bumili ng bagong bahay kaya gusto kong ibenta 'yung isang property ko in Quezon City. Meron din akong condo unit na gusto ko mang ibenta, meron pang nakatira at umuupa rito at nakiusap naman sa akin na bigyan sila ng time.



"Ang hinahanap ko kasi ngayong properties, e, yung magiging comfortable ako. Kaya I am looking for a place na malapit sa south at isa pang sa bandang norte naman. Para kung ang taping ko o shooting o anumang commitment ko, e, nasa parte ng south o kaya e, norte, merong parang halfway house ako na doon na ako manggagaling para mas malapit," paliwanag niya.



Bukod dito, hindi rin matigil-tigil ang balita na lugi na ang kanyang Osteria restaurant kaya nagsara na rin daw ito.



"Ang nagsara, e, ang Bubble Gang Toppings sa Katipunan. Nag-decide kami ng mga partners ko na isara na lang muna ito dahil pare-pareho kaming naging busy sa mga commitment namin. Pero ang plano talaga, e, buksan namin ito sa ibang lugar na.

"Bakit ba pinag-iinitan nilang lagi ang Osteria ko? Ginawa na nga namin itong for members only kaya kahit hindi nila makitang punumpuno o umaapaw ito sa mga diners, meron na kaming mga kliyenteng talagang pumupunta roon," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kung pagiging masinop lang naman at maalaga sa investment at properties niya ang pag-uusapan, sasabihing hindi magkukulang ang isang gaya ni Ara sa bagay na ito. Dahil matagal na itong masinop pagdating sa pag-iipon at pag-i-invest sa mga bagay na puwede rin niyang pagkakitaan pagdating ng panahon.



"Porke ba nagbebenta ka ng bahay mo, ibig sabihin nun, naghihirap na?" tanong niya. "Hindi ko naman masasabing naghihirap ako. Ilang bansa na ang iniikot ko to do some shows at 'yung iba naman, e, dahil ako ang ipinadadala ng GMA Pinoy TV para mag-show sa mga kababayan natin gaya sa Amerika, sa Guam, at sa Europe. Imadyinin mo na lang ang kinikita ko doon. Dollars!

"Hindi ako nagyayabang. At mamaya, hahabulin pa ako ng BIR diyan although tama lahat ng dine-declare kong assets ko. Kaya lang, minsan, nakakapika rin ang ibang mga tao. Ang ipagmamalaki ko na lang, pinaghihirapan ko ang lahat ng bagay na nasa akin. Kaya ibenta ko man ‘yan o anuman ang gawin ko sa mga ‘yan, karapatan ko na ‘yon!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN