Judy Ann Santos says "No" to boob job and posing for sexy magazines


"Hindi ko yata ma-take na 'yung may magsasabit ng poster ko sa banyo, tapos pagpapantasyahan ako! Nakakaloka!" says Judy Ann Santos about posing for a sexy magazine.


Hindi na maitatanggi ang kaseksihan ni Judy Ann Santos ngayon. Umaapaw ang confidence niya nang humarap siya sa entertainment press last July 5 para sa pelikulang Ouija ng GMA Films at Viva Films.



Ayon kay Juday, matagal na niyang hinintay na lumiit ang katawan niya kaya sinasamantala niya ang pagpapakita niya ng kanyang bagong figure.



"Alam n'yo naman ang korte ng katawan ko noon, di ba? Halos wala, di ba?" malakas na tawa ni Juday na naka-tube that night.



"Pabayaan n'yo na ang lola n'yo na magsuot ng mga ganito kasi pinagdasal ko rin ito ng matagal na panahon. Matagal kong pinantasya na magsuot ng mga ganitong damit. Sa ganitong size, kaya inaabuso ko nang husto!"



Dahil sa kanyang pag-aalaga sa kanyang katawan kaya naman hindi kataka-takang maraming kumukuha sa kanya bilang isang product endorser. Sa ngayon ay may higit sa sampu ang endorsements si Juday both for TV and print.



"I'm happy na nabigyan ako ng ganitong karaming endorsements," sabi ni Juday. "Ngayon ko nga lang nararanasan 'yung naranasan na ni Jolina [Magdangal, her Ouija co-star] noon. Kasi noong nasa Gimik kami ni Jolens, siya ang maraming product endorsements.



"Now I know how it feels na may malaking responsibilidad ka sa mga taong naniniwala at humahanga sa iyo. Through the endorsements, nakikita nila ang pagiging role model mo sa kabataan."



Ang maganda pa kay Juday ay natural ang kanyang pagiging sexy ngayon. Walang retoke sa katawan niya. Pero inamin ni Juday na minsan ay naisip din niya kung paano ang feeling na magpalaki ng boobs.



"Lahat ng ways para lumaki ang boobs ko, meron ako!" malakas na tawa niya.



"Meron akong 'yung may underwire, may tubig, may fake na boobs na sinisiksik lang sa damit, may double padding... lahat nga ng puwede mong isipin ay kumpleto ako. 'Yun nga lang, wala pa ring nagaganap na pagbabago! Ganun pa rin ang size!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Aaminin ko na sometimes naiisip ko kung okay ba 'yung magpa-boob job ako. Puwede naman talaga kung gugustuhin ko, pero ayoko rin kasi takot ako sa operasyon. Hindi ko makita ang sarili ko na may hinihiwa sa katawan ko tapos may ilalagay. I'm not against it, pero hindi ko lang siguro kaya.



"Masaya na ako sa ganitong size ng boobs ko. 'Tsaka hindi naman boobs ko ang bentahe ko, di ba?" pahabol niya.



May mga offers din si Juday na mag-pose para sa mga men's magazines, pero hindi raw niya nakikita ang sarili niya na pinagpapantasyahan ng mga lalaki.



"Hindi ko yata ma-take na 'yung may magsasabit ng poster ko sa banyo, tapos pagpapantasyahan ako! Nakakaloka!" tawa niya.



"Sa totoo lang, kahit na mag-bathing suit ay parang maaasiwa ako. Siguro kung may nakapatong na malaking scarf o basta may nakapatong sa bathing suit, okay lang. Pero 'yung naka-bikini lang tapos basang-basa at naka-pose, parang di bagay sa akin.



"Alam ni Tito Alfie [Lorenzo] na hindi ko gusto ang ganyan kaya never akong maggaganyan. Okay na 'yung ma-cover ako ng mga women's magazines. Hanggang doon na lang siguro ang kaya ko. Ipaubaya na lang natin sa mga sexy talaga ang mga ganyan. Sila na lang ang pagpantasyahan at hindi na lang ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN