All systems go for Sharon Cuneta-Robin Padilla reunion movie


Megastar Sharon Cuneta and action star Robin Padilla are finalizing negotiations for their reunion movie, which will be produced by GMA Films. The movie starts shooting September or October of this year and will have an early 2008 playdate.


Kumpirmado ang unang naibalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nakipag-meeting na ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang action superstar na si Robin Padilla sa GMA Films executives na sina Annette Gozon-Abrogar, president; Joey Abacan, supervising producer; at Noel Ferrer, project manager for synergy and promotions, sa Shangri-la Manila in Makati City last July 5. May kinalaman ito sa pelikulang muling pagtatambalan nina Sharon at Robin. Ang huling movie nila together ay Pagdating ng Panahon noong 2001.

Ayon sa isang source ng PEP na malapit kay Robin, hindi pa nila nakasama sa meeting ang magdidirek ng movie na si Joey Reyes. May inaayos pa raw kasi si Direk Joey sa script kaya magkakaroon pa sila ng isa pang meeting para pag-usapan na ang lahat. Ayaw pang sabihin ng aming source kung ano ang story ng bagong movie nina Sharon at Robin, pero may casting na sila and hopefully raw ay makuha nila ang serbisyo ng mga ito.

Kung masusunod ang timetable, malamang na magsimula silang mag-shooting ng still untitled movie by September or October. Plano nilang ipalabas ang Sharon-Robin movie early 2008.

Ayon pa sa aming source, nagsimula raw ang meeting ng 11 p.m., pero almost 3 a.m. na kinabukasan sila natapos dahil sa kuwentuhan nina Sharon at Robin. Hindi raw akala ng GMA Films executives na ganoon pala talaga ka-close sina Sharon at Robin.

"Ganoon talaga kapag nagkikita ang dalawang iyon," kuwento ng source ng PEP. "Siguro dahil naging malalim din ang pinagsamahan nila noon. Kapag nagkita sila, parang nakikita ko pa ‘yong time na pareho silang nasa Viva Films. At ngayon, muli silang magkakasama, sa GMA Films naman. Kahit anong pamimikon ni Sharon kay Robin, hindi ito napipikon ng kanyang Ma'am. Inaaya nga ni Sharon si Robin na mag-attend daw sila ng premiere showing ng Ouija, pero wala naman pala si Robin dito sa July 24.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aalis pala kasi siya for Turkey, hinihintay lang niya ang visa nina Queenie at Kyle, dahil isasama niya ang dalawang anak. Dadalo si Robin ng seminar kaugnay ng itinayo niyang school para sa mga kapatid niyang Muslim dito sa atin. From Turkey, tutuloy na sila ng Australia, mag-i-stay na muna siya roon, pahinga muna siya dahil talagang napagod siya sa taping ng Asian Treasures.

"Babalik siya rito kapag may bago na siyang gagawin. May bago raw kasing offer na teledrama ang GMA-7 kay Robin, pero pag-uusapan pa muna nila iyon. Gusto rin ni Sharon na kasama na si Direk Joey at sa bahay naman nila sa Wack-Wack Village gawin."

Tinext naman ng PEP si Sharon upang tanungin kung ano ang mauuna niyang gawing pelikula, 'yung sa Star Cinema ba o ang pelikula ni Robin sa GMA Films.

Ayon kay Sharon, mauuna raw niyang gawin ang movie sa Star Cinema. Nakapag-meeting na rin daw siya sa kanila. Tapos na tapos na raw ang script at baka by September, nasa London na sila ni Direk Chito Roño. Mga three weeks daw sila roon. May tinatapos pa raw kasi si Direk Chito at si Sharon naman ay kailangang mag-tape ng several episodes ng Sharon para doon sa Sundays na wala siya sa bansa.

Naubos na raw ang nai-tape ni Sharon dahil hindi nga siya nakapag-taping ng ilang linggo dahil sa pamamaga ng loob ng kanyang pisngi. Habit pala ng Megastar na kagatin ang loob ng kanyang pisngi kapag medyo stressed siya. Nagkasugat ang kanyang pisngi at nagkaroon ng infection. Medyo may maga pa raw, pero nakapag-taping na raw siya ng Sharon noong isang araw.

After ng London movie niya, gagawin na niya ang movie under GMA Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN