More changes in final casting of Bong Revilla's MMFF movie "Resiklo"


Imus Productions is still finalizing the cast of its official entry to the 2007 Metro Manila Film Festival, Resiklo. At press time, Bong Revilla's (center) leading ladies will be Iya Villania (left) and Jennylyn Mercado (right).


At press time ay ongoing ang meeting para sa final cast ng entry ng Imus Productions this year sa Metro Manila Film Festival, ang Resiklo, starring Bong Revilla.

Marami ang pagbabago sa cast, specifically ang mga leading ladies ni Bong.

Out na si Angelica Panganiban dahil hindi puwede ang schedule niya and in naman si Iya Villania.

In pa rin si Jennylyn Mercado bilang main leading lady ni Bong. She earlier replaced Roxanne Guinio.

Habang ongoing ang meeting ng Imus Productions, isang insider ang tumawag sa amin at sinabing kinukuha na rin daw si Cristine Reyes to be part of the movie to be directed by Mark Reyes. Ang pagkakaalam niya, bilang kapalit ni Jennylyn Mercado.

Dumiretso ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa producer ng Resiklo na si Ms. Andrea "Andeng" Bautista, kapatid ni Bong Revilla, to confirm this.

"No, Jennylyn is still part of the movie," sabi niya sa amin over our phone conversation. "She is still our leading lady. Darating si Jennylyn [from the US] this July 17 dahil kinabukasan, July 18, first day of shoot na namin."

Naitanong namin kay Ms. Bautista kung bakit may kumu-contact pa kay Cristine.

"Ah, baka para sa papel ni Katrina [Halili] dapat. Hindi rin kasi siya pupuwede yata," sagot niya.

Tinanong din namin kung nadagdagan ang leading ladies ni Bong. Ang original kasi, dalawa lang, supposedly sina Roxanne and Angelica na napalitan na pareho nina Jennylyn at Iya.

"Hindi leading lady 'yung kay Katrina, pero very big role pa rin," pagtutuwid ni Ms. Bautista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN