Ex-boyfriend of John Lapus denies stalking Boy Abunda


"He is not denying that he is the ex of John [Lapus, right] but he denies na stalker siya ni Boy Abunda [left]. Kusa daw po siyang pinapapasok sa bahay ni Boy with some friends at walang nangyari sa kanila ni Boy," claims a friend of Jasper "Red" Anderson (center).



Nakatanggap ng email ang PEP (Philippine Entertainment Portal) last Saturday, July 7, mula sa isang nagngangalang Derrian Ocampo. Kaibigan diumano niya ang ex-boyfriend ni John "Sweet" Lapus na si Jasper, na binanggit ng TV host-comedian two Sundays ago sa Showbiz Central . Si Jasper ang sinasabing naging dahilan ng hindi pagkakaunawaan noon nina Sweet at ng talent manager-TV host na si Boy Abunda.

Ayon kay Sweet, binilhan niya raw noon si Japser ng cell phone na may tracking device. Dahil dito, nadiskubre diumano ni Sweet na madalas pumupunta sa bahay ni Boy si Jasper. Kaya tinawagan ni Sweet si Boy upang ipaalam na boyfriend niya si Jasper.

Napag-alaman din na aspiring actor si Jasper at nagpapatulong diumano ito kay Boy sa kanyang ambisyong mag-artista. Pero ayaw raw ipaalam ni Jasper kay Boy na may relasyon sila ni Sweet.

Later on ay humingi ng apology si Sweet kay Boy dahil sa kanyang maling akala na may relasyon sina Boy at Jasper. Natatawa nga raw si Sweet sa kanyang sarili dahil ini-stalk niya si Jasper, na stalker naman diumano ni Boy.

Ayon kay Derrian Ocampo, si Jasper ay isa na raw model ngayon ng Mercator, the same modeling agency na pinanggalingan ng Pinoy Big Brother Season ex-housemate na si Bruce Quebral at ang model-actor na si Victor Basa. Nakagawa na raw ng ilang TV commercials si Jasper at nakasama rin siya sa Bench Fever underwear fashion show last year.

"Naawa po ako sa kaibigan ko," sabi ni Ocampo sa email niya sa PEP. "He [Jasper] is not denying that he is the ex of John but he denies na stalker siya ni Boy Abunda. Kusa daw po siyang pinapapasok sa bahay ni Boy with some friends at walang nangyari sa kanila ni Boy.



"He admits na in-offeran siya ni Boy para gawing alaga, but Boy just stopped calling him at now wala na po silang communication. He denies dropping John like a hot potato. Nakapag-usap daw po sila nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"He thanks John and Boy for being good to him in the past. He is doing his best now to move on and be successful as a model. He appeals [to] the public not to judge him."

Kalakip ng email ni Ocampo ay ang dalawang litrato ni Jasper. Ayon sa kanya, kamukha raw ni Jasper ang longtime partner ni Boy na si Bong Quintana.

Red Anderson ang ginagamit na screen name ngayon ng ex-boyfriend ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN