Erik Santos "still coping" after break-up with Rufa Mae Quinto


Erik Santos admits he and his former girlfriend, Rufa Mae Quinto, are still hurting from their recent break-up.


Sa huling pagkakataon, nagpaunlak ng isang exclusive interview si Erik Santos sa kanyang manager na si Boy Abunda ukol sa pagtatapos ng relasyon nila ni Rufa Mae Quinto, na ipinalabas sa The Buzz kahapon, July 8.

Sa panayam sa kanya, muling tinukoy ng singing champion na marahil sa pagiging abala nila pareho ni Peachy (mas kilalang pangalan ni Rufa Mae sa showbiz) ay isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Paliwanag ni Erik, "Marami pong dahilan, e. Kumbaga, nagkapatung-patong na lang. Nagsimula ito noong nagkaroon ako ng tour with Pops [Fernandez] and Kuh [Ledesma], we went to Alaska. Pagbalik ko naman dito, siya naman 'yong umalis. Pagbalik naman niya dito, ako naman 'yong umalis.

"Parang masyado kaming busy para pag-usapan. 'Yun pala, may problema na hindi pa naming nakikita hanggang sa bigla na lang nag-burst out, ganun."

Nilinaw rin ni Erik na hindi dahilan ang third party sa pagpapasya nilang maghiwalay.

"That's why meron akong parang hindi ko alam kung magsasalita ako, kasi parang wala pa talagang period. As in, 'yung period talaga, kung anuman 'yung pinagkahiwalayan namin," sabi ni Erik.

Bagama't ilang linggo na rin ang nakararaan pagkatapos nilang maghiwalay, umaasa pa rin ang singer na magkakaroon ng pag-aayos sa relasyon nila ni Rufa Mae.

Aniya, "Sa akin, siyempre, I'm still hoping. Kung iisipin ko lahat ng mga bagay na nangyari, is it the right thing to do?"

Patuloy niya, "Actually, ang dami po naming beses na nag-usap, e, kaso 'yung mga pag-uusap namin, parang nauuwi sa di magandang pag-uusap."

Gayuman, inamin ni Erik na hindi pa rin naman napuputol ang komunikasyon nilang dalawa. "Honestly, siya talaga 'yung unang tumawag sa akin. Parang siya 'yung nagsasabi na sana wala na munang away."

Inamin din ni Erik na hindi madali para sa kanya na harapin ang pagbabagong naganap sa kanyang buhay matapos ang hiwalayan. Hindi pa rin siya handang magsabi ng pamamaalam sa dating kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Erik, "Siyempre, sa kahit ano namang hiwalayan, e, wala namang madali, di ba? And as of now, I'm still coping up sa bagong buhay ko, siyempre kailangan kong harapin ang buhay ko na wala na siya, di ba? Pero we're trying to keep in touch sa isa't isa."

At ang mensahe niya kay Peachy: "Gusto ko lang siguro mag-sorry, though sinabi ko na sa kanya ito. Gusto kong humingi ng tawad kung anuman ang mga naging pagkukulang ko sa relasyon namin."

Samantala, nilinaw naman ng manager nina Rufa Mae at Erik na si Boy Abunda sa simula ng interview na wala siyang kinalaman sa pag-iibigan o paghihiwalay ng dalawa.

Paliwanag ni Boy Abunda, "Ako, naiinsulto ako kapag sinasabing ito'y gawa-gawa ko lamang. I wanted to take this chance to say na wala akong kinalaman sa pag-iibigan at wala rin po akong kinalaman sa inyong [Rufa Mae and Erik] paghihiwalay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN