Dina Bonnevie hospitalized -- food poisoning or over-fatigue?


Actress Dina Bonnevie was rushed to the hospital last July 7 but discharged after two days. Dina's son, Oyo Sotto, says it was food poisoning; Dina's executive producer thinks otherwise.



Nagmamadaling umuwi si Oyo Boy Sotto pagkatapos niyang mag-guest with Anne Curtis sa The Buzz kahapon, July 8. Tine-text na raw kasi siya ng ina niyang si Dina Bonnevie at pinapupunta sa condo nito sa The Fort. Wala raw kasing bantay ang Mommy niya.



"Na-food poison po kasi ang Mommy ko sa taping. Katse-check out lang niya sa ospital ngayong umaga. Kahapon siya dinala sa ospital. Kasi nagsuka siya tapos nag-diarrhea si Mommy. Tapos ‘yun pala, na-food poison siya," kuwento ni Oyo sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Hindi alam ni Oyo kung ano ang nakain ng Mommy niya sa taping. Pero nagpalabas daw agad si Dina sa ospital dahil ayaw niya mag-stay roon ng matagal.



Kasalukuyang ginagawa ni Dina ang remake ng Natutulog Ba Ang Diyos? para sa bagong Sine Serye ng ABS-CBN. Kaya agad tinawagan ng PEP ang executive producer ng programa na si Mae Santos para alamin ang iba pang detalye sa diumano'y food poisoning ni Dina.



"Hindi siguro ‘yon sa taping kasi ‘yung fried rice na kinain niya, kaming lahat, staff and crew, kumain din. Kung sira ‘yung fried rice, e, di sana hindi lang siya ang na-food poison," pahayag ni Ms. Santos.



Sa palagay ng EP ng bagong show ni Dina ay na-overfatigue lang ang aktres. Nagsimula raw kasi sila ng taping ng Huwebes at natapos ng 11:30 ng Friday. Sobrang madugo rin daw ng eksena na ginawa ni Dina noong araw na 'yon, kung saan sabay silang manganganak ng co-star niya na si Rosanna Roces.



Natapos sila ng taping at nalaman ni Mae Santos na sumama ang pakiramdam ni Dina. Nang tinext niya ang road manager ni Dina sa agency ng manager ng aktres na si Arnold Vegafria, doon lang nila nalaman na na-confine sa Makati Medical Center si Dina noong Sabado.



Sa ngayon ay mukhang okay na raw si Dina at may taping ulit siya para sa Natutulog Ba Ang Diyos? bukas, July 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN