Wenn Deramas wants to direct all three episodes of "Shake, Rattle and Roll"


"Type ko gumawa ng sarili kong version ng Shake, Rattle and Roll, pero ang gusto ko, ako lahat ang magdidirek ng tatlong episodes," says Direk Wenn Deramas.



May offer si Wenn Deramas na magdirek ng pelikula para sa Regal Entertainment. Pero hindi pa raw nila napapag-usapan kung anong project ang gustong ipagawa sa kanya ni Mother Lily Monteverde.



"Pero siguro ang ipagagawa sa akin ni Mother Lily ay 'yung genre na hindi ko pa nagagawa o nasusubukan, which is comedy," pabirong wika ni Direk Wenn nang makausap ng PEP [Philippine Entertainment Portal] sa birthday party ni John "Sweet" Lapus na ginawa sa Esquinita last July 8.



Type bang gumawa ni Direk Wenn ng horror film tulad ng Shake, Rattle and Roll? Isa ito sa most successful projects na ginagawa ng Regal para sa taunang Metro Manila Film Festival.



"Type ko gumawa ng sarili kong version ng Shake, Rattle and Roll, pero ang gusto ko, ako lahat ang magdidirek ng tatlong episodes. Kasi matagal na akong may konsepto ng Shake, Rattle and Roll. Kung pagagawin ako ni Mother Lily, gusto ko akin lahat ng tatlong episodes para kontrolado ko ang mga bagay-bagay," sabi pa ng direktor ng Ang Tanging Ina at Ang Cute Ng Ina Mo.



"Honestly, hindi ko pa alam kung anong project ang gustong ipagawa sa akin ni Mother Lily. Hindi ko naman siya pinapangunahan kung ano man ang gusto niyang ipadirek sa akin na project. Sinagot ko lang naman ang tanong ninyo," pahayag ni Direk Wenn.



Samantala, ipalalabas na sa July 23 ang Kokey, ang bagong fantaserye na idinidirek niya para sa ABS-CBN. Ito ang ikatlong fantaserye ni Direk Wenn after the hit series Marina at Kampanerang Kuba.

Ano ang pagkakaiba ng Kokey na fantaserye sa movie version na pinanggalingan nito?



"Bago lahat, pati ang istorya," sagot ng direktor. "Ang itinira ko lang ay ang mga pangalan ng mga characters. Happy family ang setting sa pelikula. Dito naman sa series, ginawa kong orphan ang bida. Bago lahat, pati istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Pati ang mga artista, very refreshing. Makikita mo rito si Ruffa Gutierrez sa isang soap opera tapos asawa niya si Redford White. Alam ninyo agad na comedy ito. Narito rin sa series sina Eugene Domingo, Jojit Lorenzo, si Julia Barretto [lalabas siyang anak ni Ruffa], Zanjoe Marudo, Maegan Young," kuwento ni Direk Wenn.



Sa pelikula naman, ginagawa ngayon ni Direk Wenn para sa Viva Films ang comedy na Four in One starring Rufa Mae Quinto, Candy Pangilinan, Eugene Domingo, and Pokwang. Ibang klaseng comedy raw ito pero ayaw munang magsalita ni Direk Wenn kung mas nakakatawa ang movie na ito compared to Ang Cute Ng Ina Mo. Bahala na raw ang mga taong humusga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN