Is Rhian Ramos losing ardent support of her fans?


Actress Rhian Ramos whose fans call themselves "Rhianaddicts" is under fire from one of them. "Ever since Rhian met DJ Mo Twister, she changed. I personally think that there is something going on between the two of them. Would you believe that Rhian chose Mo over us?" says a Rhianaddict, who is withhdrawing her support because of Rhian's alleged involvement with DJ Mo Twister (left).



Very active and vocal ang mga Internet-based fans ng young actress na si Rhian Ramos na kilala bilang Rhianaddicts.

Unang nakilala ang Rhianaddicts nang todo-todong sinoportahan nila ang kanilang paboritong GMA Artist Center star sa mga issues against — Ara Mina (na-snub diumano ni Rhian si Ara sa anniversary party ng YES! at launching ng PEP); Alessandra de Rossi (nagmaldita dimano si Rhian kay Alex sa taping nila sa L.U.V. Pow), at PJ Valerio (idinenay ni Rhian na nag-date sila ni PJ). Sunud-sunod na nag-comment ang Rhianaddicts sa mga PEP articles in support of their idol.

Naiyak si Alex de Rossi nang mabasa niya ang mga comments ng mga Rhianaddicts against her. Si Ara Mina, bagama't nasaktan sa mga naisumbong sa kanya, dinedma niya lang ang issue dahil, in the end, si Rhian naman ang nag-apologize sa kanya. Si PJ Valerio, recently lang sumagot about the issue, pero dedma siya sa paratang ng mga Rhianaddicts na stalker siya ni Rhian.

Lunes ng gabi, July 9, nakatanggap kami ng isang email mula kay Kriztina Legaspi (kriztinalegaspi@yahoo.com) na isa sa mga avowed members of Rhianaddicts. Ikinagulat namin ang laman ng email niya.

Ito ang laman in full ng email ni Kriztina na ang title, "Rhian don't [sic] deserve the support of the Rhianaddicts":

"Good evening. First and foremost, we apologize to PJ Valerio, Alessandra de Rossi, and Ara Mina. We fought with Rhian against them but only now that we realize that we were wrong. We supported the wrong person.

"Ever since Rhian met DJ Mo Twister, she changed. I personally think that there is something going on between the two of them. Would you believe that Rhian chose Mo over us? I hope her Tita [Ida Henares, head of Artist Center] knows what her favorite niece is doing. For God's sake, ang daming guys diyan na matino at walang sabit, bakit si Mo Twister pa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"We are now withdrawing our support to Rhian. Pero sana sa family niya, ilayo ninyo si Rhian kay DJ Mo. Sayang siya kung magpapabuntis lang sya kay DJ Mo.



"Thank You.



"Kriztina of the Rhianaddicts is signing off."

Bigla pa tuloy nagka-issue kina Rhian at Mo na walang kaalam-alam ang showbiz.

Napag-alaman ng PEP na crush pala talaga ni Mo si Rhian, at very vocal ang DJ sa kanyang nararamdaman para sa dalaga. Pero hindi malinaw kung may namamagitan sa kanila na higit pa rito.

Kanina nga sa radio program ni DJ Mo na Good Times With Mo ay "Bring Your Crush Day" at ang guest ni DJ Mo ay walang iba kundi si Rhian.

Sa Huwebes ay general press con ng horror movie na Ouija ng GMA Films, kung saan kasama si Rhian. Magkakaroon ng pagkakataon ang PEP upang tanungin ang young actress tungkol sa kanila ni Mo at upang hingan na rin ng reaksiyon tungkol sa akusasyon ng Rhianaddicts.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN