Martin Nievera guests on "The Buzz"


Martin Nievera guested in The Buzz last Sunday without his partner Katrina Ojeda and son Santino. It would have been Baby Santino's first live appearance but, because he's teething, he had LBM.



Hindi nakasama ni Martin Nievera ang live-in partner niyang si Katrina Ojeda at ang anak nilang si Santino nang mag-guest siya sa The Buzz last Sunday, July 8. Originally, plano sana si Martin na isama si Santino.

Gusto sana ni Martin na sa The Buzz showbiz talk ng ABS-CBN ang unang show na lalabasan nang live ni Santino. Dito kasi unang ipinakita ni Martin si Santino nang ipanganak siya ni Katrina sa Amerika, pati na ang baptism nito.

Hangga't maaari ay gusto ni Martin na sa The Buzz ipakita lahat ng mahahalagang okasyon sa buhay niya, pati na rin ang tungkol kay Santino. Aminado si Martin na si Boy Abunda ang isa sa mga TV hosts na naka-discover sa kanya sa pagkanta, kaya very grateful siya kay Boy.

Kaso lang, hindi naisama ni Martin si Santino sa studio ng The Buzz dahil biglang nagkasakit ang bata. Nag-LBM (loose bowel movement) si Baby Santino dahil sa papatubong ngipin nito. Ito rin ang dahilan kaya hindi na rin sumama kay Martin si Katrina.



Pinilit talaga ni Martin na makabalik ng Pilipinas noong July 5 dahil napakaespesyal ng araw na ‘to para Concert King. Gusto niya kasing dito sa Pilipinas i-celebrate ang kanyang 25th anniversary.



Kasabay nito, makiki-celebrate din si Santino sa birthday ng anak ng kapatid ng kanyang ina rito. At for the first time ay makikita na ng ibang mga kamag-anak nina Martin at Katrina na nandito sa Pilipinas si Santino.



Kinailangan na ring bumalik ni Martin sa Pilipinas para ihatid ang bunso nila ni Pops Fernandez na si Ram na papasok na rin sa eskuwela. Sinundo ni Martin si Ram dito months ago para magbakasyon sa US.

Nakita na rin ng panganay na anak ni Martin, si Robin, ang half-brother niyang si Santino pagdating nila sa bahay from the airport. Feeling big brother ulit si Robin kay Santino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Anytime now, personal na makikita na rin ni Pops Fernandez, ex-wife ni Martin, si Santino. Hanggang picture lang daw kasi nakita ni Pops ang anak ng ex-husband niya at ang bago nitong partner na si Katrina. Cute na cute si Pops kay Santino kaya gusto niya itong ma-meet nang personal.



On October 26, ise-celebrate naman ang first birthday ni Santino. According to Martin, it will be a family affair at iimbitahan niya ang ilang malalapit na kaibigan niya from showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN