Studs and Boyz.Com: Two new all-male groups with hunky members


Boyz.Com members (from left): Alwyn Uytingco, Frank Garcia, Polo Ravales, Gabb Drilon, and Joseph Bitangcol.



Dalawang bagong all-male groups na kinabibilangan ng ilan sa pinakamainit ng young actors today ang nakatakdang ilunsad.

Today, July 10, at 4:30 p.m. sa studio ni Jay Javier, magpi-pictorial ang pitong kalalakihang napili ng GMA Artist Center para maging miyembro ng all-boy, sing-and-dance group they will name "Studs".

Nagkaroon ng audition ang grupo na iha-handle ni Noel Ferrer and, curiously, hindi lahat ng members ay Kapuso stars.

Si Mike Tan, StarStruck 2 Ultimate Male Survivor, ang mangunguna sa grupo. Makakasama niya ang StarStruck 1 Avenger na si Dion Ignacio; StarStruck 2 Avenger Kevin Santos; dating Star Magic talent na si JC Cuadrado; Artist Center talent Felix Roco, na isa sa kambal na anak ni Bembol Roco (tinanggal sa group ang kakambal niyang si Dominic Roco); Star In A Million finalist Lance Oñate; at Mr. Pogi 2006 winner, na muntik nang makasama sa Star Magic 15, si Edgar Allan Guzman.

Younger version daw ng Hunks ang pag-market sa Studs.

Hindi pa sila isasabak sa paggawa ng album dahil continuous pa rin ang training nila. They are given a six-month to one-year period to improve on their singing and dancing skills, bago sila bigyan ng sariling album na malamang ay sa GMA Records.

Ilu-launch ang Studs this Saturday sa GMA-7 Eat Bulaga!.


BOYZ.COM. Sa ibang balita, two months ago ay nagpa-audition ang DMV Entertainment ni Manny Valera for members na ipapasok nila sa binubuo nilang boy band na kapalit ng Barakos, the short-lived, one-album band composed of Jay Manalo, Christian Vasquez, Paolo Paraiso, Luis Alandy, and Carlo Maceda.

Maganda ang feedback noon ng Barakos at maraming offers to do shows here and abroad. Pero nagkabulilyaso sa scheduling dahil at that time, busy halos lahat ng members with their respective acting careers.

Sabi sa amin ni Direk Manny noon, nararamdaman niyang may market talaga ang boy bands dito kung kaya't naisipan niya ngang bumuo ng pangalawa—mas bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang nakapasang non-actors and non-singers sa audition na ginawa ng DMV kung kaya't handpicked na lang ang naging members nito.

Sa birthday party ni Polo Ravales last month sa Guilly's, ipinakilala na ang Boyz.Com, ang boy band na binubuo nina Polo; former Power Boys member Frank Garcia; and Star Magic artists Gabb Drilon, Alwyn Uytingco, and Joseph Bitangcol.

Mga talents ng DMV sina Polo at Frank, co-managed naman nila with Star Magic sina Gabb at Alwyn, at si Joseph ay "hiram" lang daw sa Star Magic.

Recently, naibalita sa amin ni Alwyn na nakapag-record na sila ng first song na ilalagay sa kanilang debut album na CD-lite, to be produced by DMV Entertainment at malamang na ipa-release sa Universal Records.

Ang "Pare Ko," ang first single ng Eraserheads na kinanta rin nila during the birthday party ni Polo, ang unang na-record ng grupo.

Nakadalawa na pala sila dahil naibalita naman sa amin ni Manny na nai-record na rin nila ang isa pang kanta, Maroon 5's "This Love."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN