Controversial movie "Desperadas" starts shooting today


(Clockwise from top right) Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, Marian Rivera, and Ruffa Gutierrez topbill the 2007 Metro Manila Film Festival entry Desperadas. The movie from Regal Entertainment had its first shooting day today.



Nag-first shooting day na ang Desperadas today, July 10. Regal Entertainment's only entry for the January 1st opening ng 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF), ito sana ang pelikulang pagbibidahan at comeback na rin nina Ruffa Gutierrez, Gretchen Barretto, Dawn Zulueta, at Pops Fernandez.

Binuo ang konspeto na mala-Desperate Housewives specifically for the four actresses. Written by Roy Iglesias and to be directed by Joel Lamangan, nagkaroon na ng story conference sina Ruffa, Dawn, Gretchen, at Pops earlier this year.

Off the record noon, nagkaroon ng gulo sa pagitan ng mga original stars starting with the characterization of each of the stars. Kung ilang revisions ang ginawa to fit the whims and requests of the four stars hanggang sa nagkaroon na rin ng hindi pagkakaunawaan sina Gretchen at Dawn, not because of the movie but because of another project—ang commercial shoot nila for a shampoo brand with Ruffa and Angel Aquino.

Natuloy ang comeback ni Pops sa ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh ng Regal at ni Gretchen naman sa Matakot Ka Sa Karma ng OctoArts, both entries sa MMFF last year. Si Ruffa, naging regular co-host ng The Buzz ng ABS-CBN replacing Kris Aquino, at si Dawn naman decided to concentrate on commercials and TV appearances na lang muna.

During the early promotion of Tiyanaks, ang pangalawang movie ng Regal Films this year, si Mother Lily Monteverde na mismo ang nagsabi na isi-shelve na lang niya ang Desperadas. Unfair daw kasi kung ipipilit pa rin ang mga original stars na gumanap dito at baka masabihan ng exploitation ang Regal.

If ever daw, baka palitan na lang ang cast.

Na-submit din pala ng Regal ang script ni Roy Iglesias sa 2007 MMFF screening committee at nakapasa naman ito. Sa submitted stars-list, sina Ruffa, Carmina Villarroel, Janice (or Gelli) de Belen, at Aiko Melendez ang supposedly gaganap sa apat na papel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa last presscon ng Tiyanaks, nabago na muli ang cast list ngunit, at that time, malamang na tentative pa rin daw ito hanggang hindi nakakausap ang mga artistang kinukuha nila—sina Ruffa in the original Gretchen role, Rufa Mae Quinto in the original Pops role, Marian Rivera in the original Ruffa role, and Iza Calzado in the original Dawn role.

Hindi na nabago ang cast and today, July 10, nag-first shooting day na sina Ruffa at Iza sa Tanza, Cavite.

Maulan daw ngayon sa set ngunit excited ang lahat about the project, especially si Ruffa after 12 years of absence on the big screen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN