Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza stop over on way to concerts Down Under


Dingdong Avanzado and wife Jessa Zaragoza arrived this morning from California, where they are now based with daughter Jayda. The couple are in the country for a short vacation before going to Australia for a series of concerts.



Dumating na kanina, July 10, ang mag-asawang Jessa Zaragoza and Dingdong Avanzado.

Na-delay ang flight nilang PR 105 from Los Angeles. Originally, 5:20 a.m. ang ETA (Estimated Time of Arrival) nila sa Centennial Airport. Kahapon pa lang, July 9, nagti-text na sa amin si Jessa na madi-delay to 7:30 a.m. ang arrival nila dahil na-stranded sila sa Hawaii. Finally, past 10 a.m. ay nag-landing ang eroplano sa Centennial Airport.

Sinalubong sila ng GMA News and Public Affairs crew.

Mamayang gabi, post-birthday celebration ni Dingdong, who turned 39 last July 7, sa bahay nila.

Hindi magtatagal ang mag-asawa, kasama ang anak nilang si Jayda, sa Pilipinas. Magiging stopover lang nila ito en route to Australia. May series of concerts kasi silang gagawin sa key cities of the continent Down Under, actually a repeat of last year dahil successful ito.

Aalis sila on July 17 at babalik ulit sila sa August 2. Uuwi ang mag-anak sa US sa August 16.

Next month, one year nang US immigrants sina Dingdong and Jessa. Based na ngayon ang mag-asawa sa Vallejo, California. Dingdong works for their family business na realty. Si Jessa naman, bukod sa pagiging housewife and mother, paminsan-minsan ay nagsu-show pa rin siya sa iba't ibang parts ng US upon request.

Nakatakdang mag-guest sina Jessa at Dingdong sa ilang GMA-7 at ABS-CBN shows habang narito pa sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN