Snooky Serna appeals to producers: "Give me another chance."


"I still hope and pray, God willing, that people in the business will still love me the way that they used to. And give me another chance, as they were so kind enough to give me in the past few years," says Snooky Serna.



Walang TV or movie assignments ngayon ang aktres na si Snooky Serna. Ito marahil ang resulta ng attitude niya noon sa kanyang trabaho, kung saan madalas siyang nale-late sa kanyang showbiz commitments.

Aminado naman si Snooky sa lahat ng kanyang mga pagkakamali. Pero humihingi rin siya ng isa pang pagkakataon. Sana raw ay mabigyan pa rin siya ng trabaho.

"Nung araw talaga, napapabayaan ko ang mga trabaho ko," pag-amin ng aktres. "And I'm really, really sorry about that. Kaya lang, I cannot just keep on saying sorry naman, di ba? So hopefully this time, na nakapag-isip-isip ako, you know, and I've realized my mistakes talaga, sana, hopefully, God willing, I will be able to work again in showbiz and have projects that will really make a difference," sabi ni Snooky nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last July 9 sa Promenade Theater, Greenhills.

Dahil walang trabaho ngayon si Snooky, hindi niya nasusuportahan ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak. Mabuti na lang daw at tuluy-tuloy pa rin ang financial support ng ex-husband niyang si Ricardo Cepeda sa kanilang mga anak.

"I thank God naman that Ricardo is a nice man," sabi niya. "He's a nice father. Hindi naman niya pinababayaan ang obligasyon niya sa mga anak niya.

"But siyempre, as a co-parent, hindi naman puwedeng asahan ko na lang si Ricardo parati. It's not that he cannot afford it. Kaya lang, 'yung sense of obligation ko lang and responsibility sa mga anak ko, siyempre hindi ko puwedeng pabayaan 'yon.

"I still hope and pray, God willing, that people in the business will still love me the way that they used to. And give me another chance, as they were so kind enough to give me in the past few years."

Ilang beses na rin namang sinabi noon ni Snooky na magbabago na siya, pero hindi rin naman niya natutupad ang mga ipinangako niya. Paano kung hindi na siya paniwalaan ng mga tao o producers na kumukuha sa kanyang serbisyo before?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I want to give people the benefit of the doubt, e. I cannot judge them or make myself fearful na baka ganoon, baka ganyan. Kumbaga, I would rather think positively, na sana, if by prayers, and you know by God's grace, if it's God's will na may use pa rin sa akin ang Panginoon in showbiz, na showbiz pa rin is where He wants me to be a blessing to the people... I want to help my family, 'yung mga anak ko, unang-una, 'yung needs ko rin, then I will be grateful to God. I'm just hoping and praying, positive thinking na mayroon namang mababait pa ring puso who will give me a chance pa rin," asam ni Snooky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN