Pauleen Luna comments on present lovelife of her past boyfriends


Pauleen Luna (center) was once involved with both Marvin Agustin (left) and JC de Vera (right). The young actress comments on the present love affairs of her past boyfriends.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen Luna sa Broadway Centrum last Monday, July 9, pagkatapos ng Eat Bulaga!.

Parehong nagkaroon ng ugnayan kay Pauleen sina Marvin Agustin at JC de Vera. Kaya naman tinanong namin ang young actress ng kanyang reaksiyon tungkol sa present lovelife ng dalawang binata.

Una na ang ex-boyfriend niyang si JC na very much in love daw ngayon sa kapareha nito sa Pati Ba Pintig ng Puso? na si Yasmien Kurdi, na nagkataon namang close friend ni Pauleen.

"Okay lang," sabi ni Pauleen. "You know what, it doesn't really matter. Ang cute nga nilang dalawa na parang kilig na kilig sila sa isa't isa. I don't know how serious they are right now. Honestly, hindi ko naman natatanong, pero mukha naman silang okay."

Nagbibigay ba ng advice si Pauleen kay Yasmien, lalo't kilala na rin niya nang husto si JC?

"Hindi, e," sagot niya. "Ang ugali ko kasi, I don't really dig into a person's personal life unless tinatanong ko. Kasi minsan, mahirap, baka sabihin nung tao, ‘Ay, naku, baka ayaw lang niyang maging kami,' kaya nagbibigay ako ng advice na ganun. Unless na alam kong super-best friend ko na mapapahamak talaga. Si Yasmien, ang tali-talino nun."

Ang isa pang ex-boyfriend ni Pauleen na si Marvin ay nali-link naman ngayon kay Angel Locsin. Naniniwala ba si Pauleen na may namamagitan kina Marvin at Angel?

"Hindi ko alam at hindi ko naman kailangan itanong pa. It's not naman far from the truth. Kasi kahit naman sino, kung lagi mong nakakasama at mabait naman, madi-develop talaga kayo. Wala na naman sa akin ‘yon. With all the issues about her [Angel], I don't know, kasi wala naman ako dun, e. Ang dami rin kasing gawa-gawa lang or I don't know the truth about it," paliwanag niya.

Obserbasyon ng marami, nang ma-link siya kay Marvin ay maraming negative issues na dumating kay Pauleen. Ngayon namang kay Angel nali-link si Marvin, ang young actress naman daw ang inuulan ng hindi magagandang intriga. Ano ang reaksiyon ni Pauleen dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marvin is my ex-boyfriend and I don't want to say bad things," pauna ni Pauleen. "Ang pangit kasi na pinagsasabihan mo ng jinx ang isang tao kasi wala naman ginawa ang Panginoon natin na jinx na tao. Gawa tayo ni God, hindi nung kalaban Niya. Siguro nagkakataon lang.

"Wala namang malas na tao. Nagkataon lang na nung kami, all eyes, tapos may nakikitang pagkakamali kasi normal lang naman tayo na mga tao. Nagkataon lang na kay Angel, kung may nagawa man siyang kaunting pagkakamali, normal lang ‘yon kasi tao lang naman siya. Hindi naman porke't artista, hindi nagkakamali."

Pero nagpapasalamat ba siya na tapos na siya sa stage ng mga pagbabatikos nung sila pa ni Marvin?

"Oo, masaya na ako ngayon na tapos na ‘yon. I'm sure masaya rin naman sila," sagot niya.

Ngiti na lamang daw ang nagiging reaksiyon ni Pauleen sa tuwing maala-ala ang eksenang inakala niya noon ay ang pinakamahirap na desisyon sa buhay niya—ito ay nang i-break niya si Marvin sa mismong bahay nila at sa harap ng mga magulang niya.

"It was hard at that time, but look, it's for the better pala. Though naintindihan ko na sila Daddy nun, mas naintindihan ko pa ngayon. Walang bigat and I'm happy right now," pagtatapos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN