Anne Curtis to do a movie opposite Aga Muhlach


Anne Curtis is "super excited" about her movie with Aga Muhlach (inset, top) and, as an actress, hopes to be on par with Claudine Barretto and Kristine Hermosa. Anne also comments on Angel Locsin (inset, middle) and former boyfriend Luis Manzano (inset, bottom).



Excited si Anne Curtis sa kanyang career dahil bukod sa nababalitang teleserye nila ni John Lloyd Cruz ay may pelikula rin siyang gagawin with Aga Muhlach. Si Joey Reyes ang magdidirek ng first movie nina Aga at Anne under Star Cinema and Viva Films.

"Sabi ni Kuya Ags, gusto raw niya na parang romantic comedy. Light naman kasi manggagaling siya sa drama, e. So he wants something light for a change," kuwento ng young actress.



"Nung nag-wakeboarding kami, doon ako nakita ni Kuya Aga. E, naka-two piece ako noon. Sabi niya sa akin, ‘Kaya ako nagpapapapayat.' Oo nga naman!" sabay tawa ni Anne.



Ano ang naramdaman niya nang sabihin sa kanya na may movie sila ni Aga?

"Hello, super excited ako, ‘no!" excited na sagot ni Anne. "Kumbaga, stepping stone na ‘yon for an actress. I mean, from Claudine [Barretto], Kristine [Hermosa], parang wait lang, totoo ba ito?

"So, ano na lang, I hope magawa ko nang tama. Kasi nga, kinakabahan ako. Pati nga si Ate Charlene [Gonzalez], tinanong ko. Sabi ko, ‘Ano ba ‘yang si Kuya Aga, professional ba ‘yan?' Sabi niya, ‘Professional siya but he will help you. Mag-e-enjoy ka. Don't worry.'"

Samantala, kinuha namin ang reaksiyon ni Anne sa balitang sina Luis Manzano at si Mariel Rodriguez na raw ngayon. Naging masugid na manliligaw kasi ni Anne si Luis at ngayon ay matalik na magkaibigan.

"Totoo?" nagulat na tanong ni Anne. "Hindi ko alam ‘yun, ah. Promise! Well, talaga itong si Manzano!

"Well, I hope it is true that Mariel is the one for him. Kasi mabait si Mariel. Bagay sila. So, kung sakali man sila, sana it will last. ‘Yung alam mo ‘yon, na si Manzano will finally find someone to settle down na. And Mariel will be the one na rin who will take him seriously, alam mo ‘yon? At hindi ‘yung parang just for now. Then kapag nakakita siya ng iba, ayun..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro namin kay Anne, napagod na marahil si Luis ng kahihintay sa kanya kaya nabaling na kay Mariel ang atensiyon ng anak nina Batangas Governor Vilma Santos at Edu Manzano.

"Hindi," diin ni Anne. "Matagal na kaming wala. But with all my heart, I hope he really is pursuing Mariel. Sana siya na at sana ma-win din niya. Sana si Mariel, hindi na tumingin sa iba."

As for Anne, balitang nagkakamabutihan na sila ngayon ng kanyang leading man sa Maging Sino Ka Man na si Sam Milby. Pero wala pang direktang pag-amin mula sa dalaga kung sila na nga o hindi pa.

Samantala, welcome naman kay Anne ang pagpasok ni Angel Locsin sa ABS-CBN kung saka-sakaling magdesisyon nga ang huli na lumipat. Ito ay kahit may posibilidad na mabawasan ng projects si Anne at mapunta kay Angel ang ibang shows niya. Bukod sa pagiging magkaibigan ay pareho rin silang ex-girlfriends ni Oyo Sotto at galing din sa GMA-7 si Anne bago lumipat sa Kapamilya Network.



"If that is true, e, di maganda," nakangiting sabi ni Anne. "Angel is a friend of mine, simula pa nung Petit Monde [models] pa kami. Even though I'm an ex-girlfriend of Oyo, hindi siya naging isyu sa aming dalawa ni Angel. Hindi rin kami nagkailanganan.

"So, at least, okay 'yon kung sakali mang lumipat siya. Parang it would also add to our group na hindi naman talaga kami ABS-CBN. Pero, di ba, dun kami nagre-relate? We can be friends with the ABS-CBN talents also."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN