Dina Bonnevie's Mars-Venus idea for late-night talk show she yearns for


"That really is one of my fervent wishes these days. Please give me back my talk show! Minsan talagang sumasagi ‘yan sa isip ko na sana, ano kaya kung meron kami ni Kuya Boy [Abunda]? Kaya lang, meron na sila ni Kris [Aquino]," says Dina Bonnevie about her wish to have a talk show again.



Hindi pa rin nagbabago ang pagiging madaldal ng aktres na si Dina Bonnevie, na tila hindi yata nauubusan ng mga kuwento. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dina sa press con ng pinakabagong handog ng Sine Serye ng ABS-CBN, ang Natutulog Ba Ang Diyos?, kagabi, July 11, sa ABS-CBN compound.

Tinanong ng PEP si Dina kung hindi ba niya nami-miss ang magkaroong muli ng sarili niyang show, gaya ng Ms. D! at D! Day niya noon sa GMA-7.



"Yes!" bulalas niya. "Naku, buti nabanggit mo ‘yan! That really is one of my fervent wishes these days. Please give me back my talk show! Minsan talagang sumasagi ‘yan sa isip ko na sana, ano kaya kung meron kami ni Kuya Boy [Abunda]? Kaya lang, meron na sila ni Kris [Aquino]."

Parang magandang idea kung pagsamahin sila ni Edu Manzano sa isang talk show since noon pa naman ay ina-acknowledge nila ang kanilang pagiging soulmates. Mukha ring kayang-kaya nilang pag-usapan anything under the sun.



"Alam mo, thank you for saying that," pagsang-ayon ni Dina. "Eto na naman ako, parang nae-excite. Kaya kailangan siguro isama ko ‘yan sa aking mga yoga affirmations, although talagang kasama ‘yan sa mga wini-wish ko na ma-grant sa akin.‘Yung parang mala-He Said, She Said ang dating, di ba?"



Halimbawang magkaroon ng katuparan ang kanyang hinihiling, ano naman kayang topic ang puwedeng i-discuss nina Ms. D at Doods sa kanilang show kung sakali?



"There are so many things to talk about. Pero magandang ipalabas ito as a late-night show on Saturdays. Alam naman nating busy rin si Mr. Manzano sa mga daily shows [Umagang Kay Ganda and Game KNB] niya, e. Parang bedroom talk ang dating na dalawang adults ang nagdi-discuss. Mala-Men are From Mars, Women Are From Venus na ang topic namin, ‘yung makaka-relate din ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwedeng about divorce. Puwedeng tungkol sa birth control—dapat bang gumamit ng pills ang babae at condom ang lalake? And ‘yung nami-miss- out na pag-usapan these days, tungkol sa mga kaso ng mga taong may bipolar syndrome.

"Or kung nag-asawa na ang lalake at babae, dapat bang bigyan na lang ng allowance ang babae since marami rin siyang ginagastos na para rin sa kapakanan ng asawa niya. ‘Di ba, we sometimes hear mga lalake na nagsasabi sa mga asawa nila na magpapayat o mag-reduce naman. E, saan naman kukunin ni Misis ang pang-Marie France niya kung walang budget na ibinibigay sa kanya, especially kung hindi naman siya nagwo-work? Kaya dapat women should have a suweldo din from their husbands.

"Or tips to enhance ‘yung short-term marriages. Bakit ba habang nagtatagal, mas madalas na maghiwalay agad ang mga couples?"



Speaking of suporta from the husbands, was there a time na nagkaroon si Ms. D ng problema sa bagay na ito sa kanyang ex-husband na si Vic Sotto?



"Sabi nga sa akin ni Danica [panganay na anak nila ni Vic], dapat daw noon pa, sinabi ko na sa Papa niya na magbigay ng sustento para sa kanila para hindi na raw ako nagwo-work o nagpapakahirap for them. E, they have to make kulit pa their Papa para lang sila bigyan ng pera.

"Nagbibigay naman siya [Vic] ng support, pero kung kailan lang niya gusto. At hindi rin naman ako kasi nag-demand even before pa. E, minsan kasi, nasasabi niya [Vic] na meron din siyang dalawang anak. Sabi ko, hindi ko kasalanan na nag-anak siya ng iba pa. Well, talks lang naman na ganoon at huwag nating palakihin dahil naikukuwento ko lang naman," pahayag ni Dina.



Bukod sa pagiging artista ni Dina, she is very much involved in her other career. She is the director for overseas market ng telecommunications company na Fusion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"In 2005 kasi, dumating ang pinakamatinding dagok sa buhay ko, wherein for a year, hindi talaga ako nagtrabaho. It has something to do with a former business I was with. No, hindi ‘yung shipping company dahil it still exists though hindi ako doon naka-focus now. Remember the guy you saw me with in Hong Kong, na ipinakilala ko sa ‘yo as my boyfriend who was working with me for that company? Medyo nagkaroon ng gulo which drove me para kumalas na lang doon and now I am in a new one," kuwento niya.



So, pati ang lovelife niya ay nawala rin?



"Yes, but I am seeing someone now," sabi ni Dina. "Kaya lang, we cannot really talk about him. Dahil there was a time na nilagay ang picture niya sa isang magazine at mali ang name na nalagay sa caption. Ang pangalan ng CEO ng company nila ang nilagay sa caption and muntik na magkademandahan, dahil siyempre, the CEO was very much married tapos kumbaga sa akin ini-link. Kaya para hindi na lang maulit ‘yon, he prefers na lang to lay low and be quiet in our own private world."



Puyat si Ms. D nang makausap ng PEP sa nasabing press conference that night dahil umaga na raw sila na-pack-up sa kanilang taping ng Natutulog Ba Ang Diyos?.

Kasama ni Dina sa naturang Sine Serye ang dati niyang nakaalitan na si Rosanna Roces. Kumusta naman ang working relationship nila?



"Alam mo, wala naman kaming personal o pisikal na away in the past. Lahat ng away namin, nasa print lang. Kaya nung pictorial namin for our Sine Serye, nung unang hindi niya ako kinakausap, akala ko may galit siya sa akin. But she was so nice. It took lang an ice breaker para every time that we see each other, sangkaterbang bagay na ang mapapag-usapan namin-mga anak namin, the lessons we learned n life, mga relasyon, etc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dun naming na-realize na we never fought pala face to face in the past. Ang away na namagitan sa amin, e, courtesy of the press! Pero matagal na ‘yon. Ngayon, talagang we've opened up na to each other. And we are so glad na we are working together here in ABS-CBN," nakangiting pahayag ni Dina.

Kasama rin nina Dina at Osang sa Natutulog Ba Ang Diyos? sina Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, at Jake Cuenca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN