Joross Gamboa-Roxanne Ginoo loveteam finds closure in "Natutulog Ba Ang Diyos?"


Joross Gamboa (right) talks about his present relationship with ex-girlfriend Roxanne Guinoo (center), who is rumored to be dating Jake Cuenca (left). The three young actors are working together in the TV series Natutulog Ba Ang Diyos?



Sa press con kagabi, July 11, ng Natutulog Ba Ang Diyos? sa 9501 restaurant ng ABS-CBN ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Joross Gamboa. He will be playing the role originally portrayed by Gary Valenciano in the 1988 movie of Seiko Films, that also starred Lorna Tolentino and Ricky Davao. Dito sa bagong version ay gagampanan ni Roxanne Guinoo ang papel ni LT at si Jake Cuenca naman ang gaganap sa dating role ni Ricky.



Kung titingnan ang mga roles nina Joross at Jake sa Sine Serye na ito ng ABS-CBN, mas challenging ang kay Jake dahil may pagka-offbeat ang character niya rito. Pero ayon kay Joross, challenging din para sa kanya ang gumanap ng role na mabait at tahimik.

"Opposite kasi ‘yon ng totoong ako. Hindi ko naman sinasabi na hindi ako mabait, pero ‘yung pagiging tahimik, alam naman ng lahat na malayung-malayo ‘yun sa totoong ako na sobrang makulit. So, challenging siya in a way na kailangan hindi makita ng manonood ‘yung ako bilang Joross," paliwanag ng young actor.



Totoo bang may apprehension siya noong una na tanggapin ang Natutulog Ba Ang Diyos? dahil baka paglaruan lang sa publicity ang pakikipagtrabaho niya sa ex-girlfriend niyang si Roxanne? Ano ang nagpakumbinsi kay Joross na tanggapin ang naturang proyeto?



"At first, oo," pag-amin ni Joross. "Kasi, ang sa akin naman, as much as possible, gusto ko naman sanang mag-try na ibang ka-partner. Since, for the longest time naman, after SCQ [Star Circle Quest], kaming dalawa na talaga ni Rox ang magka-loveteam.

"Kumbaga, ngayon pa lang nagkakaroon ng chance na makatrabaho ko rin ‘yung ibang artista na kapareha. Sa part naman ni Rox, ganoon din since naipa-partner na rin siya sa iba.



"Pero noong kinausap ako, in-explain naman nila sa akin kung ano ang magiging role ko. ‘Yung role nga raw dati ni Gary Valenciano at alam ko naman na wala namang role si Gary V na hindi maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, ini-explain din sa akin na parang ang Natutulog... ‘yung magiging closure ng loveteam namin ni Rox dahil mag-a-add sila ng bagong character sa TV na wala sa movie at magiging ka-loveteam ko naman dito, which is Denise Laurel."



Hindi rin daw nagkaroon ng ilangan sa set, especially sa kanilang dalawa ni Jake lalo pa't balitang si Jake na ang bagong boyfriend ni Roxanne. Pero kumusta nga ba silang dalawa ni Jake?



"Kami ni Jake, okay, walang ilangan," sagot ni Joross. "Kahit naman dati pa, kapag nagkakasabay kami ng guesting ni Jake, okay kami. Nagkakausap at nagkakabiruan pa kami.



"Ngayon naman sa set, mas okay pa dahil kami ‘yung halos madalas magkausap. Magkakasama kasi sa dressing room ‘yung mga girls at sa isang dressing room naman ‘yung mga boys."

Silang dalawa ni Roxanne?



"Okay rin. Kung anuman ‘yung nangyari in the past, nakaraan na ‘yun. Tapos na ‘yon. Hindi maiiwasan na kahit paano, hindi na katulad ng dati. Hindi na masyadong nagkakatawagan or text, pero ‘yung friendship, hindi naman nawawala ‘yon," sabi ni Joross.

Inusisa rin namin si Joross tungkol sa workshop nila kung saan nagkaaminan daw sila ni Roxanne na may nararamdaman pa rin sila sa isa't isa, lalo na sa part ni Roxanne. Ayon pa sa balita ay nagkaiyakan sina Joross at Roxanne. Totoo ba ito?

"Actually, wala namang nangyari na may napag-usapan na tungkol doon," pagtanggi ni Joross. "Saka, wala talaga... Siyempre, sa kahit anong workshop naman, hindi naman mawawala ‘yung konting iyakan, usap-usap. Pero ‘yung mismong usap na ganoon, wala talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN