Keempee de Leon thankful to his gay character for reviving his career


"Dito na ako ngayon kilala ng tao. Sa labas, hindi na Keempee ang tawag sa akin; Harold na o kaya bakla," says Keempee de Leon about his gay character in Bahay Mo Ba 'To?.



Mawawala na nga ang Monday GMA-7 sitcom na Who's Your Daddy Now? at ang Tuesday sitcom na Bahay Mo Ba ‘To?. Malilipat din ng ibang timselot ang Nuts Entertainment na dating pang-Wednesday. In the place of the three vacated timeslots is just one show, the first comedy-reality show na Kung Ako Ikaw to be hosted by Joey Marquez of Who's Your Daddy Now? and Keempee of Bahay Mo Ba ‘To?.

Joey will portray his real self, si Tsong—or as he said sa presscon ng bagong show nila, Manong Joey na raw—samantalang ang original character niya sa Bahay Mo Ba ‘To? na si Harold naman ang ipu-portray ni Keempee.

"Nagpapasalamat ako kay Harold dahil siya ang bumuhay sa career ko," sabi ni Keempee sa general question-and-answer portion ng Kung Ako Ikaw presscon kahapon, July 11, sa Marina restaurant.

"Nalungkot nga ako nang nalaman kong mawawala na ang sitcom namin. Natuwa naman ako, si Harold pa rin ang gagamitin ko sa Kung Ako Ikaw. Dito na ako ngayon kilala ng tao. Sa labas, hindi na Keempee ang tawag sa akin; Harold na o kaya bakla."

Sa sit-down interview naman, nagpahabol ng tanong ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Keempee na hindi kaya siya ma-typecast sa papel na bakla.

"Ang daddy ko [Joey de Leon], nagbababae pa nga sa Nuts Entertainment, e," paliwanag niya.

Hindi rin daw siya natatakot na mapagkamalang bakla sa tunay na buhay.

"Sasagutin ko pa ba ‘yan?" natatawang pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN