"Showbiz Central" denies reason for Rufa Mae Quinto's angry accusation


Comedienne Rufa Mae Quinto is allegedly angry at the staff of Showbiz Central for forcing her to answer Erik Santos's statement on The Buzz and say that her ex-boyfriend is gay.



Nagulat ang buong staff ng Showbiz Central nang makarating sa kanila ang balita na may galit daw sa kanila ang comedienne na si Rufa Mae Quinto dahil pinipilit daw siya ng staff na aminin ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng ex-boyfriend niyang si Erik Santos.



Ayon sa balita ay pinapaamin diumano ng staff ng Showbiz Central si Rufa Mae na sabihing bading si Erik. Nangyari raw ito noong nakaraang Sunday, July 8, nang biglang magkaroon ng interview si Erik sa The Buzz na sinagot naman ni Rufa Mae sa Showbiz Central.



"Hindi totoong may mga pumipilit kay Rufa Mae among the staff," sabi ng nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na taga-Showbiz Central. "Nagulat nga kami na may ganyang chika. Bakit naman gagawin ‘yon ng staff, e, gusto pa nga namin na protektahan si Rufa Mae dahil siya ang nakaupo sa Central Jury that day. Sa staff pa ba manggagaling ang ganyan?"



Noong Sunday na iyon ay tinanong pa nga raw ng Showbiz Central staff si Rufa Mae kung gusto nitong sagutin ang mga sinabi ni Erik sa The Buzz. Wala naman daw pumilit sa comedienne.



"Okay lang naman kung hindi niya gustong sagutin para matapos na rin ang issue sa kanila, di ba? Pero umoo naman siya kaya ‘yon ang nangyari, sinagot naman niya. Pero ang pilitin siyang sabihing bading si Erik Santos, walang ganun," diin ng Showbiz Central staff.

At press time ay sinusubukan ng PEP na kunan ng pahayag si Rufa Mae tungkol sa nasabing isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN