Phillip Salvador elated over Rudy Fernandez's recovery


Phillip Salvador (right) is one of Rudy Fernandez's (left) best friends. He attributes Daboy's recovery to continuous prayers and tells his friend that he's "a living testimony of God."



Tuwang-tuwa ang action star na si Phillip Salvador sa balitang wala na ang cancerous tumors ng matalik niyang kaibigan na si Rudy Fernandez. Hindi naman kasi kaila kung gaano ka-close ang dalawa, pati na ang iba pa nilang mga kabarkada na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

"Nalaman ko agad. Nagkausap kami agad ni Daboy [palayaw ni Rudy] kahapon [July 10]. Kahapon kasi ‘yung check-up niya, kausap ko siya, excited na excited siya na nagsabi sa akin. Sabi niya, ‘Bestfriend, wala na lahat, wala na! Sunog na lahat ng tumor ko!'" kuwento ni Phillip sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa practice niya for an upcoming badminton tournament.

Ang unang napabalita, apat daw ang natitira pang mga tumors sa katawan ni Daboy. Lahat daw iyon ay nawala na.

"Mahigit, ang alam ko mahigit," sabi ni Ipe. "Walang natira, talagang sunog daw lahat, ubos daw lahat. So, basta ang ano lang... Sabi ko, continuous pa rin ang prayer. Sabi ko [sa kanya], ‘Alam, mo pare, you're a living testimony of God.' Totoo ‘yon, e. Si Daboy naman, pala-dasal naman ‘yang taong ‘yan, e. Lalo ngang dumami dasal ngayon niyan, e."

Ayon pa kay Phillip, marami pa raw ibang tao na nagdadasal para kay Rudy na na-diagnose with periampullary cancer.

"‘Yung congregation ko lang, talagang nagpe-pray for him na malagpasan niya itong ordeal na ito, alam namin, pagsubok lang ito. Lahat naman ng nangyayari sa buhay natin, ‘yung mga pagsubok na dumarating sa buhay natin, basta may paniniwala tayo sa Panginoon—kahit gaano kabigat o kaimposible ang isang pagsubok—malalampasan natin."

Nagkita rin daw sila agad ni Daboy pagkatapos ng magandang balita.

"Nagkita na kami kahapon. Mamaya, magkikita din kami, pupuntahan ko siya sa bahay," sabi ni Phillip.

"Kanina kasi, chemo siya uli. He has to finish his chemo until September. Kailangan tapusin niya ‘yon, to be sure. Mas mabuti na ‘yon to be sure. Alam naman nating lahat na ‘pag ganung klaseng mga sakit, kadalasan, goodbye na. Pero determinasyon ni Daboy, ‘Pagagalingin ako ng Panginoon,' sabi niya. ‘Pagagalingin ako ni Lord, si God ang magpapagaling sa akin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta taimtim ka sa pananampalataya mo at nakita ng Panginoon ang puso mo, uulitin ko, paulit-ulit kong sasabihin, ibibigay sa iyo ng Panginoon ‘yung gusto mo," nakangiting sabi ni Ipe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN