Roxanne Guinoo works with the men in her life for the first time


Roxanne Guinoo (center) stars in Natutulog Ba ang Diyos? with her ex-boyfriend Joross Gamboa (left) and new love, Jake Cuenca (right). She feels comfortable working with Joross, she says, and is "super-duper" with Jake.



For the first time ay makakasama ng young actress na si Roxanne Guinoo ang kanyang ex-boyfriend na si Joross Gamboa at ang kanyang rumored present boyfriend na si Jake Cuenca sa iisang proyekto. Sila ang mga bida sa TV version ng Natutulog Ba ang Diyos?, ang Seiko Films movie na pinagbidahan nina Lorna Tolentino, Gary Valenciano, at Ricky Davao.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Roxanne ay tinanong namin ang dalaga kung kumusta ang pakikipagtrabaho niya sa dalawang lalaki na nagpatibok ng kanyang puso.



"Wala na po akong problema kay Joross, so sana i-close na natin kung anumang isyu kay Joross. Mabait po siyang tao. Like kami, super friends kaming tatlo. Sobrang tagal na ng isyu namin. So, sana tama na," pakiusap ni Roxanne.



Sa press con ng Natutulog Ba ang Diyos? ay naikuwento nina Joross at Jake na may pagkakataon na magkatabi pa silang matulog sa taping, bilang patunay na maayos ang lahat sa kanila. Nakyutan naman si Roxanne sa scenario na nakikita niya tuwing taping nila.

Sinabi pa ni Roxanne na malaking bagay ang ginawa nilang workshop bago sila magsimula ng taping. Doon daw nila binuhos ni Joross ang mga itinatago nilang damdamin para isa't isa.



"Definitely, may iyakan talaga," sabi ni Roxanne. "Maiiyak ka talaga dahil may mga activities and then, nagkaroon ng mga moments na nakapag-usap, na-open up 'yung mga bagay-bagay."



Paano niya ide-describe ang friendship nila ni Joross ngayon?



"'Yung friendship namin ni Joross, well, hindi naman kami super-duper close. Pero kapag magkasama kami, nakakapag-usap kami. Kuwentuhan to the max. Wala nang reason para maging textmates pa kami or share some stories, hindi na. Ang importante dito, okay na kami."



Sila ni Jake, ano ba talaga ang estado ng relasyon nila ngayon?



"Super happy kami, ayun. Hanggang doon lang. Kung anuman ‘yung sa amin, masaya kami. 'Tsaka alam namin ‘yung priorities namin. Whatever we have right now, masasabi ko super-duper happy kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Inamin ni Jake sa show nina Boy Abunda at Kris Aquino na Boy & Kris na exclusively dating na sila ni Roxanne. Agree ba ang young actress sa sinabi ni Jake?

"Oo naman, super-duper agree," sagot ni Roxanne.

Totoo bang nagbababad si Roxanne sa taping ni Jake at matiyagang nagbabantay sa binata?



"Siguro naman walang masama kung maano ako, di ba? Wala naman akong nakikitang mali dooon. Hindi naman ako committed sa ibang tao at siya rin. So, may karapatan naman kaming gawin kung ano ang gusto namin," paliwanag ng young actress.

Kumusta naman ang pakikitungo ng parents niya kay Jake?

"Okay naman siya sa parents ko. Super okay."

Nakausap na rin daw ni Roxanne sa telepono ang parents ni Jake.

"Mabait 'yung Mommy niya, parang bagets."

Puwedeng-puwede rin daw dumalaw si Jake sa bahay nina Roxanne.

"Oo naman, basta disenteng oras. Nasa tamang timing. Nagpapaalam muna ako. Ang problema kasi namin ‘yung oras. Medyo busy kasi," sabi niya.

But as much as possible, nagpapaalam daw muna si Jake bago dumalaw sa bahay nina Roxanne.

"Iyon kasi ang gusto ng family ko, good influence si Jake. And kay Joross naman, ganun din. But ito [Jake] kasi, nakikita nila na natutulungan niya ako pagdating sa work, e."

Mas good influence ba si Jake kesa kay Joross?

"Hindi, wala akong sinasabi na ganun," paglilinaw niya. "Pero iba yung nakita nila kay Jake. Nakita ng family ko na naging iba 'yung drive ko sa trabaho.



"Sana nga good influence si Jake. Pero as much as possible kasi, ako, ever since naman pagdating sa trabaho, I'm very focused. ‘Yung therapy ko, trabaho talaga. Iyon ‘yung gusto ko na makita rin niya [Jake] sana. ‘Yung blessing na dumarating sa amin ngayon, ibinibigay ni Lord sa amin, may reason ‘yan. Kaya might as well habang nandiyan, karerin mo na, galingan mo na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN