Piolo Pascual signs another exclusive contract with Star Cinema


Matinee idol Piolo Pascual signed another exclusive contract with Star Cinema, ABS-CBN's film arm. He is slated to work with Toni Gonzaga and possibly Angel Locsin—if plans of her transfer to ABS-CBN pushes through.



Pumirma na ng panibagong kontrata ang matinee idol na si Piolo Pascual sa Star Cinema last Wednesday night, July 11, sa ABS-CBN. Piolo signed an exclusive three-picture contract deal.

Present sa contract signing ang Star Cinema bigwig na si Ms. Malou Santos and Ms. Mariolle Alberto, who represented Star Magic big boss Mr. Johnny Manahan, na siyang nangangalaga ng career ni Piolo.



Isa sa unang gagawin ni Piolo for Star Cinema ay ang first movie nila ni Toni Gonzaga. It's a romantic comedy na, as of this writing, ay kinukumpirma pa kung sino ang magdidirek.

Pinag-aaralan pa rin ng Star Cinema ang right vehicle para sa unang tamabalan nina Piolo at Toni, na sisimulan ang shooting next year.



Posibleng sa second movie ni Piolo ay si Angel Locsin ang makapareha niya. Iyon ay kung mapaplantsa ang paglipat ni Angel sa ABS-CBN.



Nang tanungin si Piolo kung sino naman ang gusto niya na maging leading lady sa kanyang ikatlong movie, binanggit niya si Kristine Hermosa. Hindi pa raw kasi niya nakakatrabaho kahit minsan ang girlfriend ng co-Hunks member niya na si Diether Ocampo.



"Why not, Kristine? I mean, she's a good actress. She's beautiful. And ‘yun nga, never ko pa siyang nakasama sa work. I'm looking forward na makasama siya sa movie," sabi ni Piolo.

Magiging abala rin si Piolo sa kanyang next album under Star Records at para sa nalalapit na major concert niya sa Araneta Coliseum before December.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN