PEP EXCLUSIVE: DJ Mo Twister on Rhian Ramos: "We're just friends."


Less than a year after DJ Mo and his girlfriend of six years, Janet McBride, broke up—DJ Mo becomes easy prey to "new girl" rumors. At present, two pretty women are being linked to him: Rhian Ramos and Rufa Mae Quinto.


Kasalukuyang nasa Hong Kong si DJ Mo Twister nang tawagan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa isyung nag-uugnay sa kanya kay Rhian Ramos, isa sa mga female lead stars ng GMA-7 TV series na Lupin.

Sa isang artikulong inilabas ng PEP noong July 10, isang fan ni Rhian ang nagpahayag ng kanyang disgusto at tumiwalag sa Rhianaddicts, ang fan club ng young actress. Ito ay dahil sa mga balitang kumakalat na may namamagitan daw sa kanilang idolo at kay DJ Mo.

"We are now withdrawing our support to Rhian. Pero sana sa family niya, ilayo ninyo si Rhian kay DJ Mo. Sayang siya kung magpapabuntis lang sya kay DJ Mo," ang pahayag ng isang nagngangalang Kriztina Legaspi sa isang email na natanggap ng PEP contributor na si Dinno Erece.

Nang tanungin si Mo ukol dito, "No, we're just friends," ang mabilis niyang sagot. "It's an on-air joke."

Marahil daw ay nagsimula ito noong nag-guest si Rhian noong Tuesday, July 10, ang araw na idineklarang "Bring Your Crush Day", sa Good Times radio show ni DJ Mo.

"To those who did not hear the show, they'd think there's something going on. I greet her every day. She greets me on her show. But nothing romantic...," pagpapaliwanag niya.

Tinanong din si Mo tungkol sa kumakalat na balitang madalas daw silang makitang magkasama ni Rhian. Ang sagot niya, "We just had coffee."

Samantala, isa pang isyu ang nilinaw ni DJ Mo, ang tungkol sa date diumano nila ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto. "Yun, wala. Rufa and I...We went to a movie. We were out with Rustom [Padilla], Ara [Mina], and Joyce [Jimenez]. That's the only time," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN