Character actor Deejay Durano denies affair with Direk Wenn Deramas


"Pinababayaan ko lang na matsismis kami ni Direk Wenn dahil alam namin 'yung totoo. Habang ginagawan nila ako ng mga intrigang ganyan, lalong dumarami ang trabaho ko," reasons Deejay Durano (right) about rumors linking him to director Wenn Deramas (left).



Nai-blind item sa isang tabloid ang sinasabing relasyon diumano ng aktor na si Deejay Durano at Direk Wenn Deramas. May malisya nga ang blind item na kesyo kakaiba ang mga titigan at hawakan diumano ng mga kamay ng dalawang rumored lovers nang magtungo nang sabay sa birthday party ni John "Sweet" Lapus sa esQuinita last Sunday, July 8.

Kapansin-pansin din na sa halos lahat ng proyekto ni Direk Wenn—sa pelikula o telebisyon—ay kasama palagi si Deejay.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Deejay sa shooting ng pelikulang 4-in-1, hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol dito.



"Hindi ko na lang masyadong iniintindi dahil lahat na yata ng artistang lalaki, mula kina Richard Gomez hanggang kay Piolo Pascual, natsitsismis na kesyo may gay relationship sa kung sinu-sinong may pangalan din naman. Ang ipinagtataka ko lang, sino ba ako para itsismis nila ng ganyan? Hindi naman ako sikat.

"At saka nasa isang sulok lang kami ni Direk sa esQuinita noong birthday party ni Sweet. Hindi kami gumagawa ng eksena roon, kaya nakapagtataka na mayroong ganoong chika?



"Kung nakikita kaming magkasama ni Direk Wenn, 'yon ay sa dahilang siya ang tumatayong manager, and at the same time, mentor ko pa. E, bakit sina Direk Maryo J. [delos Reyes] at Yul Servo, hindi naman tsinitsismis na ganoon?" napapailing na sabi ni Deejay.



Aminado si Deejay na natutuwa siya kung pinag-uusapan siya, kahit sa ganitong paraan.



"Kasi, dati naman, tinutulungan na ako ni Direk Wenn. Bakit ngayon lang parang may lumalabas na ganyan? Kahit pa sabihing blind item 'yan, hindi ko rin papansinin. Kasi, hindi rin talaga binabanggit na kami talaga 'yun.



"Pero, siyempre, 'yung tsismis, nakakarating na rin sa amin. Deadma lang kami ni Direk. Nagtatrabaho lang kami. Basta ako, trabaho lang. Kung kailan trabaho ang iniintindi ko, roon dumarating 'yung assignments," lahad ni Deejay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



At sa kung sinu-sino na ring natsitsismis sa showbiz na kesyo may gay relationships, deadma rin daw ang marami. Sadyang napapagkuwentuhan na lang.



"Kasi, kung iisipin, advantage ko 'yon. Pinababayaan ko lang na matsismis kami ni Direk Wenn dahil alam namin 'yung totoo. Habang ginagawan nila ako ng mga intrigang ganyan, lalong dumarami ang trabaho ko," sabi ni DJ.



Gustong palabasin ni DJ na inggit ang pinagmumulan nito sa kung anumang dahilan. Kasi pagkatapos niya sa Walang Kapalit, kung saan markado ang role niya, kasama rin siya sa susunod na teleseryeng katatampukan ni Kris Aquino para sa ABS-CBN, kasama si Kim Chiu.



Naka-cast din si DJ sa pelikulang pagtatambalan nina Ai-Ai delas Alas at Rufa Mae para sa OctoArts, na ididirek din siyempre ni Wenn.



"Maganda ang feedback sa ginagawa ko, sa acting ko, kahit paano. Kaya natutuwa ako dahil kahit paano, naroroon 'yung respetong ibinibigay na sa akin, kahit parang ngayon pa lang ako nabibigyan ng ganitong pagkakataon. Tama na sa akin 'yun," nasabi na lang ni DJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN