Mr. Pogi winner Edgar Allan Guzman returns to "Eat Bulaga!" as part of Studs


Edgar Allan Guzman (2nd from left) with fellow Studs (from left); Kevin Santos, Dion Ignacio, Mike Tan, JC Cuadrado, Felix Roco, and Lance Oñate.



Matutuwa raw ang Mr. Pogi 2006 winner na si Edgar Allan Guzman sa muling pagtungtong niya ngayong tanghali, July 14, sa studio ng Eat Bulaga! Magbabalik si Edgar sa Eat Bulaga! bilang guest at miyembro ng bagong all-male group na Studs—kasama sina Mike Tan, Dion Ignacio, JC Cuadrado, Kevin Santos, Lance Oñate, at Felix Roco. Ang Studs ang kumanta ng theme song ng horror film na Ouija at kasabay na rin nito ang unang TV appearance nila as a group.



Kung matatandaan ay isa si Edgar sa natanggal sa pagre-reformat ng noontime show ng GMA-7. Muntik na siyang mapasok sa ABS-CBN bilang isa sa bagong talents ng Star Magic, pero hindi ito natuloy dahil may kontrata pa pala siya sa TAPE Inc.



"Kasalanan ko rin naman po kasi hindi ko alam na may existing contract pa ako with TAPE. Noong malaman nga nilang nag-workshop ako sa Dos, sinabihan nila ako about the contract kaya nag-back out po ako. Ayoko pong mademanda.



"More than a month din akong hindi nakabalik sa Eat Bulaga! at sa pag-promo namin ng Ouija, siguro matutuwa ako kasi marami akong na-miss sa show," nakangiting pahayag ni Edgar.



Inamin ni Edgar na nalungkot ang buong pamilya niya nang mawala siya sa Eat Bulaga!. Naiintindihan naman daw ng young actor-singer kung bakit kinailangan siyang mawala sa show.



"Nalungkot din po ako, pero desisyon po ‘yon ng nakakataas na boss ng Eat Bulaga! Siguro po may mas magandang opportunity para sa akin na darating after Bulaga. Akala ko nga po ay ang maging talent ng ABS-CBN ang sagot, pero hindi rin pala. Nasa GMA pa rin pala ang suwerte ko," sabi niya.



Sa grupong Studs ay si Edgar ang pinakabata at 17 years old. Pero mag-e-eighteen na siya sa taong ito kaya puwedeng-puwede na siyang makipagsabayan sa pagpapa-sexy ng grupo kung saka-sakali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Gagawin ko po ang lahat!" sabay tawa pa ni Edgar. "Para naman po sa akin, trabaho lang. Nagpapasalamat nga ako na isa ako sa pumasa sa auditions na ginawa nila for Studs. May potential daw ako for singing and dancing. 'Yun din naman po kasi ang ipinakita kong talent noong manalo akong Mr. Pogi. Sana po ay maganda ang kalabasan ng grupo namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN