Denise Laurel hopes onscreen tandem with Joross Gamboa will work


Young actress Denise Laurel is paired for the first time with Joross Gamboa in ABS-CBN's Natutulog Ba ang Diyos?. Denise hopes that her partnership with Joross will get positive feedback.



Bukod sa love triangle nina Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, at Jake Cuenca, may isa pang love angle sa bagong Sine Serye ng ABS-CBN na Natutulog Ba ang Diyos?—ang kina Joross at Denise Laurel.



Ayon kay Denise, nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), wala talaga sa orihinal na kuwento ang role niya.

"I'm an added character, saling-pusa!" natatawa niyang sabi. "But it's a nice character and a really nice story. I'm a girl from Baguio, mayaman na naman. I'm going to meet with Joross in Baguio and, eventually, fall in love with him. I'm actually a poor little rich girl. Parang I'm very needy, very affectionate."



First time din na makakapareha ni Denise si Joross sa isang drama series.



"It's really my first time ever to work with Joross aside from Star Magic anniversary in ASAP, he was my dance partner. Pero ‘yun lang. Iyon pa lang ang pinagsamahan namin, tapos heto na."



Sa tagal-tagal na rin ni Denise sa industriya ay wala pa raw siyang talagang nae-establish na ka-loveteam, although kung mag-click ang tambalan nila ni Joross, gusto rin niyang ma-build-up silang dalawa.



"We're both super makulit kasi," sabi ni Denise. "Though it's my first time to work with Joross, they will still see if it's going to work, the chemistry and all, but I hope so, I hope so."



Kuwento rin ni Denise sa PEP, isa raw si Joross sa mga unang nag-welcome sa kanya nang lumipat siya from GMA-7 to ABS-CBN and made her feel comfortable sa bago niyang bahay.



"My first Christmas special here in ABS-CBN, I was super shy kasi. I came back kasi from the other side. I'm really shy and my only friends are Maja [Salvador] and Carla [Humphries] and Kuya Geoff Eigenmann—kasi I am close to his family—and then they introduced me to Joross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"So, parang sila ‘yung nakasama ko. And it was super nice naman of him to welcome me and made me feel comfortable. Even though he doesn't know who I was and what my ugali is, but he's really nice."



Wala raw panghihinayang kay Denise na lumipat siya ng network. Simula raw kasi nang maging Kapamilya siya, sunud-sunod na rin ang mga projects na nagagawa niya. She's a Star Magic talent and co-managed by Eric Raymundo, who is also the manager of Sam Milby.



Aside from Natutulog Ba Ang Diyos?, Denise is also in Pedro Penduko at Ang Mga Engkantao. She's also a VJ on Studio 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN