Rhian Ramos plays lead role in her next TV project after "Lupin"


Despite all the negative issues about her, controversial young actress Rhian Ramos continues to get big breaks in her acting career. She will be part of the Sharon-Robin movie for GMA Films and will also take on a lead role in her next project on GMA-7.



Kaharap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nang ibalita kay Rhian Ramos after the presscon of Ouija sa Patio Ibarra noong Huwebes, July 12, na isasama siya sa cast ng pelikula nina Sharon Cuneta at Robin Padilla sa GMA Films.

Sumigaw ang young actress sa magandang balita at mas malakas ang sigaw nito sa added news na sa launching movie niya ay si Richard Gutierrez ang leading man niya.



Malapit nang matapos ang Lupin at wala pang maibalitang bagong project sa GMA-7 si Rhian, pero nabalitaan ng PEP na bida na siya in her next TV show. Sinubukan ng PEP na humingi ng clues sa next project ng young actress, pero nabigo kami. Ang sinabi lang sa PEP ng taga-Kapuso Network, malaking paghahanda ang gagawin ng young actress.



Anyway, hindi takot si Rhian sa bantang withdrawal of support ng kanyang fans sa kanya. Isang grupo lang naman daw ang umalis, ang Pro-Group at may three big fans club pa na sumusuporta at nakakaintindi sa kanya.



Ang PEP ang nabahala sa sagot ni Rhian na, "No, baka sasaktan pa nila ako" sa tanong kung hindi siya nag-attempt na makipag-usap sa mga nagtatampo at nagalit niyang fans dahil sa relasyon niya diumano kay Mo Twister. Pareho nang itinanggi nina Rhian at Mo na may namamagitan sa kanila.

Hindi kaya mas lalong magalit ang kanyang fans sa kanyang sagot?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN