Religion keeps JC de Vera and Yasmien Kurdi apart


"Hindi kami puwedeng lumagpas sa pagiging close kasi nga Iglesia kasi siya," says JC de Vera about his relationship with Yasmien Kurdi.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si JC de Vera sa presscon ng horror film na Ouija. Siyempre pa, ang topic ng panayam namin sa kanya ay ang kanyang leading lady sa Pati Ba Pintig ng Puso? na si Yasmien Kurdi.

Gaano na ba kalalim ang relasyon nilang dalawa?

"Close," sagot ni JC.

Dahil ba sa magkaiba sila ng relihiyon kaya hindi matuluy-tuloy sa totohanan ang kanilang relasyon? Katoliko kasi si JC at si Yasmien naman ay miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

"Kaya nga, e, kaya hindi kami puwedeng lumagpas sa pagiging close kasi nga Iglesia kasi siya," sabi ni JC.

Sa ngayon daw ay hindi pa kayang talikuran ni JC ang kanyang relihiyon sa ngalan ng pag-ibig. Pero paano kung dumating sa point na mahal na mahal na niya si Yasmien?

"Siguro sa future... Pero hindi naman ako hahanap sa ibang religion. Mas gusto ko talaga Catholic."

Umabot na ba si JC sa point na pinigilan niya ang nararamdaman niya for Yasmien dahil sa iba ang relihiyon nito?

"Oo, kasi kahit siya rin naman, nagpipigil din naman siya. Alam ko, kasi hindi naman siya nagkakaroon ng karelasyon na hindi Iglesia, kahit ka-fling. Alam ko wala, e. Siguro mga MU-MU meron, pero hindi relationship talaga," sabi ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN