Boy band Studs won't go sexy as a group, for now


The Studs: (from left) Kevin Santos, Edgar Allan Guzman, Dion Ignacio, Mike Tan, JC Cuadrado, Felix Roco, and Lance Oñate. The group has to wait for one of their members to turn 18 before they go sexy.


Formally, ipinakilala na ng GMA-7 ang pinakabagong boy band na Studs composed of Mike Tan, Dion Ignacio, Kevin Santos, Felix Roco, JC Cuadrado, Lance Oñate, and Edgar Allan Guzman sa presscon ng GMA Films and Viva Films movie na Ouija last July 12 sa Plaza Ibarra.

The seven hunky actors-singers serenaded the stars of the movie—Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, Iza Calzado, and Rhian Ramos.

Hindi sila part of the movie pero magiging part of the promotion sila, sabi ni Noel Ferrer, dahil wala raw kasing theme song ang pelikula.

Naipamigay na rin ang mga photos na ginawa nila kay Jay Javier but, curiously, walang ipinamigay sa nakunan sa kanilang mga naka-topless.

"Saka na 'yun, kapatid," say ni Noel when we asked him that night. "Pupunta tayo diyan, pero hindi pa ngayon. Hindi pa puwede ang isa sa kanila, si Edgar."

Edgar is the youngest of the group. The Mr. Mister Pogi 2006 winner is just 17 lang kasi, so minor pa siya.

For the time being, wholesome muna ang projection nila kahit tatlo sa kanila ay nakapag-pictorial na ng sexy for different magazines.

Nag-cover boy na ang Star In A Million finalist na si Lance Oñate sa isang issue ng Valentino magazine. Topless lang naman lahat ngunit marami siyang shots na either pagkababa-baba ng kanyang pantalon, or else bukas ang top button ng pants niya to partly reveal his briefs.

Nasa second issue naman ng X Ray magazine si Mike Tan na halos mga topless shots din. Bagama't siya ang pinaka-wholesome sa issue—kung saan first time ding nagpaka-daring sina Jake Cuenca, Jake Roxas and Biboy Ramirez—siya ang most anticipated.

Nag-pictorial na rin si Dion Ignacio for the next issue sana of X Ray, said to be quite daring in his briefs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN