Iza Calzado wants to reprise her "Sigaw" role in Hollywood


"Maganda sana kung kaming mga nasa original cast ang kunin, di ba? Malaking break sa amin ‘yon. Pero siyempre, Hollywood na ‘yan kaya bahala na sila kung sino ang gusto nilang kunin," says Iza Calzado about the Hollywood remake of horror film Sigaw.


Walang mapiling Hollywood actress si Iza Calzado na maaring gumanap sa kanyang award-winning role sa Hollywood version ng Sigaw, titled The Echo, na ididirek pa rin ng original director nitong si Yam Laranas.



Una nang napabalita na ang gaganap sa naging role ni Richard Gutierrez as Marvin sa The Echo ay ang Hollywood actor na si Jesse Bradford.

Sabi ni Iza, kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay gusto niyang siya pa rin ang gumanap sa role niya as Anna, ang battered and murdered wife na nagmumulto sa isang apartment building sa 2004 film na Sigaw.



Proud si Iza sa role na iyon dahil ito ang nagpanalo sa kanyang ng Best Supporting Actress sa Gawad Urian noong 2005.



"Kaya wala akong pipiliin na Hollywood actress at gusto ko na ako pa rin ang gaganap!" tawa ni Iza nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ouija last July 12.



"Maganda sana kung kaming mga nasa original cast ang kunin, di ba? Malaking break sa amin ‘yon. Pero siyempre, Hollywood na ‘yan kaya bahala na sila kung sino ang gusto nilang kunin."



Naikuwento rin ni Iza na dumalo sila ni Richard Gutierrez sa Screamfest L.A. International Horror Festival noong October 2005 para i-represent ang Sigaw. Naging entry kasi ang naturang horror film ng Pilipinas and eventually ay napanalunan nito ang award for best musical score.



Inamin din ni Iza na naisipan din niyang subukan ang kanyang kapalaran sa Hollywood. Pero naisip niya na maganda na ang takbo ng career niya sa Pilipinas.



"During that time, ongoing pa ‘yung Encantadia and sunud-sunod ang projects ko sa GMA-7. Naisip ko na bakit pa ako susubok sa ibang bansa, e, okey na ako at masaya na ako dito sa Pilipinas.



"Sa Hollywood kasi, marami ka pang pagdadaanan and they would not even care kung nagbida ka na sa anumang TV show or pelikula sa Pilipinas. Marami na tayong mga kababayan na nagta-try na sa Hollywood. Ayoko nang makipagsabayan pa sa kanila. What's important is nagbigay tayo ng support sa kanila if ever maging successful sila sa pag-penetrate sa Hollywood," paliwanag ni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang pelikulang Ouija ng GMA Films at Viva Films ang ikatlong horror movie ni Iza, after Sigaw at ang "Yaya" episode ng Shake, Rattle & Role 8 kung saan gumanap naman siya bilang isang aswang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN