Mylene Dizon denies causing breakup of her ex-bf and Phoemela Baranda


Mylene Dizon (left) is rumored to have reconciled with former boyfriend Ira Cruz, of the Bamboo band, who recently broken up with Phoemela Baranda (right). But Mylene denies the issue: "Matagal na kaming tapos [ni Ira]. Kaya bakit ako magiging dahilan?"


Mariing itinanggi ng aktres na si Mylene Dizon sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balitang nagkabalikan na sila ng dati niyang boyfriend na si Ira Cruz, band member ng bandang Bamboo. Si Mylene din ang itinuturing dahilan kung bakit nag-break sina Ira at ang TV host na si Phoemela Baranda.

"Hindi, huh! Matagal na kaming tapos [ni Ira]. Kaya bakit ako magiging dahilan?" sabi ni Mylene sa launching ng mga bagong programa ng cable channel na Cinema One last July 10 sa The Good Earth, The Fort. Si Mylene ang host ng isa sa mga bagong programa, ang My Space.

Pero inamin ni Mylene na nagkita kamakailan sila ni Ira makalipas ang mahabang panahon.



"Yeah, nagkita kami recently," pagkumpirma niya. "Iyong common friend namin, may gig siya that night tapos tinawagan ako. Tinanong niya [their common friend] ako if I can come over sa gig nila. E, hindi ko alam na nandu'n siya [Ira].



"Since magkakaibigan naman kami way, way back, e, di okay. Parang magkakaibigan na matagal hindi nagkita, ganun lang. And that time, hindi ko alam ‘yung nangyari sa kanila [ni Phoemela]. Nalaman ko na lang nung time lang din na ‘yon. Siya mismo ang nagsabi sa amin na break na sila," kuwento ni Mylene.



Ano ang naging reaksiyon ni Mylene nang sabihin ni Ira na wala na sila ni Phoemela.



"O, e, di napa-‘Ah' lang ako. Wala naman akong nasabi. Parang wala lang. After that, just like before, we hang out as friends," sabi ni Mylene.



Hindi imposible na balikan siya ni Ira since pareho na silang unattached ulit. Matagal na ring hiwalay si Mylene sa dati niyang boyfriend na si Paolo Paraiso, na ama ng kanyang anak. Tulad ng kasabihan, "Love is lovelier the second time around"—maging totoo rin kaya ito kina Mylene at Ira?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Well, sagutin din kita ng common saying na ‘I'll cross the bridge when I get there,'" sabay tawa ni Mylene.



Habang kausap ng PEP si Mylene, tamang-tama naman na dumating si Phoemela para sa live feed ng TV Patrol World. Lumingon si Mylene at ngumiti kay Phoem, pero hindi siya pinansin nito.



Pagkatapos ng panayam namin kay Mylene ay nag-host na si Mylene ng event, habang si Phoemela naman ay naging abala para sa TV Patrol World. Pagkatapos ng event, na-stuck ang mga celebrities sa entrance ng The Good Earth dahil sa buhos ng ulan, kasama sina Mylene at Phoemela na magkatabi—pero nakatalikod sa isa't isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN