Rhian Ramos in the middle of controversies explains her side


"The reason why I deny things is because they're not true, I have no other intentions," says Rhian Ramos.



Open book ang naging isyu dati sa pagitan nina Rhian Ramos at Alessandra de Rossi. Matatandaang sa taping nila para sa isang show ng GMA-7, dahil sa pagkakamali ni Alessandra sa isang pangalan sa isang linya during a take, ay nag-one liner si Rhian na ikinairita ni Alex. Dahil dito, ibinato ni Alex ang kanyang telepono ng apat na beses sa sahig at sa dingding.

Mula noon, isang cold war na ang namagitan sa dalawa. Although nag-apologize na si Rhian kay Alex at sinabing nagbibiro lamang siya noon, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang dalawang young stars.

Sa presscon ng Ouija last July 12 ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rhian. Kinumusta namin sa young actress ang sitwasyon nila ni Alex.

"Hindi pa kami nagkakausap," sabi ni Rhian. "I don't have her number, hindi pa kami nagkikita, except for the 'Kapusolympics' which I spent with my team, and she spent with her team. So parang there was no time to chitchat."

RHIAN'S FANS. Pero may balitang nag-apologize raw ang fans ni Rhian kay Alessandra, maging kina PJ Valerio at kay Ara Mina na pare-parehong naisyu kay Rhian. Noon kasing kainitan ng mga isyung ito ay grabe kung ipagtanggol ng mga fans ni Rhian ang kanilang idolo, to the point na ang ilan sa mga ito ay nakapagbitiw ng maanghang na pahayag laban kina Alessandra, PJ, at Ara.

Pero kamakailan ay napabalita ang pagtiwalag ng ilang fans ni Rhian dahil diumano sa pagkaka-link ng young actress kay DJ Mo Twister. Kasabay nga nito ang paghingi nila ng tawad sa mga inaway nila noon dahil kay Rhian at ang pagsunog ng banner ng kanilang fans club.

"Well, good for them. "Kasi before pa, a lot of the comments were a little below the belt. So I'm happy, kasi at least, may closure na sila. 'Tsaka I'm happy na they did the right thing, they absolutely did the right thing by apologizing and I'm proud of them for doing that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm happy because I absolutely think na it's the right thing to apologize to them, kasi they got hurt by what my fans said. But the whole burning the banner thing is funny, whatever," reaksiyon ni Rhian.

Nakausap na rin daw ni Rhian ang kanyang fans para sana ayusin ang kanilang di-pagkakaunawaan, pero hindi raw siya pinakinggan ng mga ito.

DJ MO. Samantala, inusisa rin namin si Rhian tungkol sa na-link sa kanyang si DJ mo.

"Well, you know what, I don't know him well enough, kasi so far, all we have in common is our sense of humor. So, you know, I just don't know him enough to judge him. But I absolutely believe he's good person and I know I'm not doing anything wrong because this was all meant to be funny, and some people just took it the wrong way, so it's blowing up," pahayag ng young actress.

Nakikita ba niya ang sarili niya na magiging mag-on sila ni DJ Mo?

"Medyo malabo ‘yun," sagot niya. "Kasi unang-una, ang laki ng age difference namin. Pangalawa, I don't know, hindi ko siya talaga lubos na kilala. Our relationship is based on our sense of humor, kasi that's what we have in common, dun kami nagdya-jam. What I find funny, he finds funny."

PJ VALERIO. Tinanong din ng PEP si Rhian tungkol sa comment ni PJ Valerio na hindi kasi siya kasing-sikat ni Richard Gutierrez kaya nade-deny siya ni Rhian. Ang claim kasi ni PJ ay nag-date na sila noon ni Rhian, na idinenay nga ng dalaga.

"Well, if you think about it, I've denied Chard, I've denied everyone else that he also mentioned, so it has nothing to do with anything. You know, if you think about it, lahat naman ng lalake na-deny ko kasi walang totoo sa kanilang lahat na mga issues whatsoever, so hindi ko naman sinasabi na si PJ lang... You know, hindi ko siya sine-single out. The reason why I deny things is because they're not true, I have no other intentions," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So hindi totoong nanood sila ng sine ni PJ at si Rhian pa raw ang nagbayad?

"No, that's kind of weird because I'm a girl and I like to be treated!" sagot niya.

Pero nagkasama sila sa Alabang Town Center?

"No," mariing sabi ni Rhian. "Well, I don't date, I absolutely don't date. But this one time he went to Alabang, and I was hanging out with my fans at that time, and I don't know if he wanted a tour or something. So you know, he was just like asking for coffee or something, but I absolutely do not date anyone, even the people I want to date!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN