Manila Mayor Alfredo Lim declares Nida Blanca murder case closed


Contrary to NBI Director Edmund Arugay's statement, Manila Mayor and former NBI Director Alfredo Lim considers the Nida Blanca murder case closed with the death of Nida's husband. Rod Strunk committed suicide in Tracy, California, last July 11, according to the Tracy police.



Magkaiba ang pahayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Edmund Arugay at ni Manila City Mayor Alfredo Lim na naging director din noon ng NBI kaugnay ng kaso sa pagpatay sa aktres na si Nida Blanca.



Kung sinabi ni Arugay na tuloy ang imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Nida Blanca, tapos na ang kaso para kay Mayor Lim dahil sa pagpapatiwakal ng number one suspect na si Rod Strunk.



Sa interbyu ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mayor Lim, sinabi nito na tapos na ang kaso at guilt ang naging dahilan ng pagpapakamatay ng dating asawa ni Nida Blanca.



May mga naniniwala na freak accident at hindi suicide ang sanhi ng pagpanaw ni Rod noong July 10 (US time). Posible raw na hindi sinasadyang nalaglag mula sa second floor ng Tracy Inn si Rod dahil nakita ng mga imbestigador ang bakas ng kanyang mga paa sa silya na tinuntungan niya.



Walang ipinagkaiba ang humor ng mga Amerikano sa mga Pepsters dahil naka-post sa website ng Tracy Press ang mga nakakatawa na komento.



May nagsabi na baka nahulog si Rod mula sa silya na tinutuntungan habang pinapalitan niya ang ilaw na napundi sa loob ng kanyang hotel. Kinontra ng isang reader ang nabanggit na opinion dahil kung napundi raw ang bombilya sa kuwarto ni Rod, siguradong tatawag siya ng maintenance crew para ito ang magpalit ng ilaw na napundi.



Hindi rin positive ang reaksiyon ng mga nagmamahal kay Nida sa naging pahayag ng legal counsel ni Rod na minahal nito sa loob ng dalawampung taon ang pinatay na aktres kaya hindi siya dapat husgahan.



Hindi raw alam ng legal counsel ang mga nangyari sa 20 years na pagsasama nina Rod at Nida kaya paano siya nakatiyak na talagang minahal ni Rod ang namayapang aktres?



Palaisipan pa rin sa mga tagahanga ni Nida ang biglang pag-alis ni Rod sa Pilipinas habang nasa kainitan ang imbestigasyon sa pagpatay sa kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natagpuan ang bangkay ni Nida noong November 7, 2001 sa back seat ng kanyang Nissan Sentra sa parking lot ng Atlanta Center sa Greenhills, San Juan, Metro manila, kung saan siya nagtrabaho bilang member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang kanyang asawa na si Rod Strunk ang prime suspect sa naturang kaso. Ang sinasabing accomplice at hired killer ni Rod na si Philip Medel ay nakakulong dahil sa pagpatay kay Nida.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN