Manila Vice Mayor Isko Moreno plans to restore Metropolitan Theater


On the agenda of newly-elected Manila Vice Mayor Isko Moreno is the restoration of the old Metropolitan Theater. This plan was received warmly by Isko's mentor in That's Entertainment, German Moreno.



Ngayong nakaupo na ang aktor na si Isko Moreno bilang bagong vice mayor ng lungsod ng Maynila, napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na isa sa mga plano ng kanilang administrasyon ni Manila Mayor Alfredo Lim ay ang paggawa muli ng abandoned Metropolitan Theater na nasa heart ng Manila.



Itinayo ang Met noong 1935 sa disenyo ng arkitektong si Juan Arellano. Dito unang ipinalabas ang mga spectacular shows, from vaudeville to opera. Ilang panahon ding namayagpag ang Met sa pagtatanghal ng various cultural shows, variety shows, plays, concerts, beauty pageants.

Ang Met ay isa sa naging bahay ng Vilma! ang dating musical-variety show ni Vilma Santos, ang Star for All Seasons na Batangas governor ngayon, sa GMA-7.

Napabayaan ang Met noong 1960s. Muling pinaganda noong 70s pero napabayaan muli hanggang sa kasalukuyan.


Ang tatay-tatayan ni Isko sa showbiz na si German Moreno ang nagbalita ng planong ito ni Isko sa PEP. Labis daw ikinatuwa ni Kuya Germs na may concern daw si Mayor Lim at Vice Mayor Isko sa restoration ng Metropolitan Theater.



"Hindi natin puwedeng kalimutan ang Met dahil isa na lang ito sa mga natitira nating cultural and historical theaters. Dream come true ko na magawa ulit ito sa tulong ni Mayor Lim at ni Vice Isko," sabi ni Kuya Germs, na siyang mentor ni Isko noon sa That's Entertainment.



Recently, pagkahalal bilang Manila Vice Mayor ay binigyan ng plake ng pagkilala si Isko sa Master Showman Presents Walang Tulugan show ni Kuya Germs, at kapansin-pansin ang galing sa public speaking ni Isko. Nahasa siya nang husto bilang konsehal ng Maynila sa loob ng tatlong termino o siyam na taon.



Taga-Las Piñas ang napangasawa ni Isko na si Dynee at nabiyayaan sila ng apat na anak—Patrick, 9 years old; Frances, 6; Joaquin, 5; at Francis, one-and-a-half years old. Walong taon na silang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Si Isko rin ang may hawak ng record na pinakabatang naging vice mayor ng Manila sa edad na 32.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN