Andrew Schimmer "squeals" on ex-girlfriend Katrina Halili


"Mababaw ang luha ni Katrina at kapag sumama ang loob niya, bigla na lang siyang iiyak. Kaya nga minsan, habang umiiyak ‘yan, niloloko ko pa. Sinasabi ko pa na, ‘O, umaarte ka naman? Sige ididirek ko blocking mo para mas maganda ang anggulo mo!' Lalo siyang naaasar sa akin," narrates Andrew Schimmer about ex-girlfriend Katrina Halili.



Ibinuking ni Andrew Schimmer na talagang iyakin ang kanyang ex-girlfriend na si Katrina Halili. Noong may relasyon pa raw sila, madalas daw nilang pag-awayan ang pagiging iyakin ng FHM's Sexiest Woman in the Philippines for 2006 and 2007.



"Mabait naman si Katrina, e. She's fun to be with. Pero once na nagselos na ‘yan, diyan kami nagkakaproblema," pagbubuking ni Andrew.



"Madalas ay dinadaan niya ako sa iyak. Mababaw ang luha ni Katrina at kapag sumama ang loob niya, bigla na lang siyang iiyak. Kaya nga minsan, habang umiiyak ‘yan, niloloko ko pa. Sinasabi ko pa na, ‘O, umaarte ka naman? Sige ididirek ko blocking mo para mas maganda ang anggulo mo!' Lalo siyang naaasar sa akin."



Kaya nga noong umiyak daw si Katrina sa Showbiz Central noong nakaraang Linggo dahil sa rivalry nila ni Cristine Reyes, alam ni Andrew na may mabigat na itong nararamdaman.



"Katrina is an emotional person kaya magugulat ka na lang na bigla siyang naiiyak. Alam ko na naba-bother siya sa pag-intriga ng marami sa kanila ni Cristine. Hindi naman nag-aaway ‘yung dalawa, e. May mga tao lang na gusto silang pagsabungin.



"Noon pa naman ‘yan, e. Lalo ngayon at nag-decide na si Cristine na magpa-sexy, mas pinagtatapat sila. Pero kinausap ko naman si Cristine, nagkausap na raw sila ni Katrina. Naihinga na ni Katrina ‘yung sama ng loob niya regarding the issue. Kaya okay na sila ngayon," kuwento ng young actor.



Si Andrew ang leading man ni Cristine sa first sexy movie nito titled Green Paradise. Handa na ring magpa-sexy si Andrew dahil marami silang mga maiinit na eksena ni Cristine sa naturang pelikula.



Kasama rin si Andrew sa comedy film na 4-in-1 ng Viva Films, kung saan bida sina Rufa Mae Quinto, Pokwang, Candy Pangilinan, at Eugene Domingo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN