Carlo Aquino begs off from "Fantastic Man"


Young actor Carlo Aquino was offered a role in Fantastic Man, but his talent management, Viva Artists Agency, had to turn it down. Carlo will be part of Pinoy Dream Academy scholars' US concert tour.



Kasama pala dapat sa bagong season ng Fantastic Man si Carlo Aquino. Two weeks na lang kasi ang itatagal ng Sine Novela ng GMA-7 na Sinasamba Kita kaya binigyan siya kaagad ng kapalit na show. Kaso ay lilipad patungong United States si Carlo, kasama ng Pinoy Dream Academy (PDA) scholars para sa second leg ng US concert tour ng PDA.



Hindi alam ni Carlo kung mahihintay pa siya ng role na para sa kanya sa Fantastic Man.



"Two weeks kasi kami na magtu-tour sa US. Kaya hindi yata naka-oo ang Viva sa offer ng GMA-7 para sa akin for Fantastic Man. Maganda nga ang role ko kasi may pagka-misteryoso na makakalaban ni Mark Herras.



"Hindi ko alam kung ano na ang napag-usapan ng Viva at GMA-7 regarding the role kasi nga paalis ako. Pero sana mahintay nila ako para may trabaho akong babalikan, di ba? 'Tsaka first time ko na lalabas sa isang action-fantasy series. Tingnan na lang natin what happens pagbalik ko," pahayag ni Carlo.



Makakasama ni Carlo sa US tour with PDA ang ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban. Wala naman daw kaso kung magkasama sila sa tour dahil maraming Pinoy fans sa US ang gusto silang makitang magkasama.



"Sa amin naman ni Gelay [pet name niya kay Angelica], walang kaso ‘yong magkasama kami. Trabaho naman ito lahat, e. Tsaka we're good friends now. Na-iron out na namin ang mga differences namin.



"Sinabi ko nga sa kanya na mas okay kaming magkaibigan kesa ‘yung may relasyon kami. Mas marami kaming away noong may relasyon kami. Ngayon, wala kaming problema. 'Tsaka masaya si Gelay sa lovelife niya with Derek [Ramsay]. Kaya masaya na rin ako."



Sa album launch ng banda ni Carlo na Kollide, napansin ng entertainment press na pinasalamatan ni Carlo ang kanyang dating nililigawan na si Maja Salvador sa album cover. Ipinaliwanag naman ni Carlo na noong nire-record daw nila ang album ay nanliligaw siya kay Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Si Maja naman ‘yung inspiration ko that time," sabi ni Carlo. "Kaya tama lang na pasalamatan ko siya, di ba?"

"Pero kung tatanungin n'yo kung nanliligaw ako ulit kay Maja, hindi na po. Mas nakatuon tayo ngayon sa banda at album ko. But I still care for Maja. Nagbabalitaan naman kami every now and then. Pero hindi na masyado. I guess super busy siya ngayon."



Bibigyan ba niya si Maja ng kopya ng first album niya?



"Oo naman. Bakit hindi? Kung tatanggapin ba niya, e. Sana matuwa siya na pinasalamatan ko siya," pagtatapos ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN