Phoemela Baranda on breakup with Ira Cruz: No third party involved


"It's between the two of us. Hayaan muna natin na ayusin naming dalawa ‘to. At sana huwag nang makisawsaw ‘yung, alam mo na, hindi naman talaga kasali," says Phoemela Baranda (right) about her breakup with Bamboo's Ira Cruz (middle). Ira is now being linked with his ex-girlfriend Mylene Dizon (left).



Nilinaw ni Phoemela Baranda sa The Buzz kahapon, July 15, na hindi si Mylene Dizon ang dahilan ng nababalitang paghihiwalay nila ng boyfriend niya na si Ira Cruz, ang gitarista ng bandang Bamboo. Wala raw third party involved sa paghihiwalay nila ni Ira.



It was a mutual decision, according to Phoemela. Pareho raw silang naging busy sa kanilang respective careers. Pero sinusubukan pa rin daw nilang mag-usap para maayos ang problema nila or, at least, magkaroon ng closure ang kanilang relasyon.



Nagpaliwanag din si Phoemela sa naganap na pagkikita nila ni Mylene sa trade launch ng Cinema One sa The Good Earth bar sa The Fort last July 10. Lumutang kasi ang balita na dinedma ni Phoemela si Mylene kahit pa nga nginitian siya ng ex-live-in partner ni Paolo Paraiso.



"Hindi ko naman talaga siya nakita. Nate-tense ako dahil magpa-[TV] Patrol pa ako, e, late na nga ako. Magla-live feed pa ako. ‘Tsaka hindi naman kami friends ni Mylene. Parang ang plastic ko naman kung bebeso ako sa kanya, e, hindi naman kami magkaibigan," lahad ni Phoemela.



Ayaw nang palakihin pa ni Phomela ang pagkakadawit ng pangalan ni Mylene sa isyu nila ni Ira dahil hindi naman daw talaga siya ang dahilan. Si Mylene ay ex-girlfriend ni Ira.

"It's between the two of us. Hayaan muna natin na ayusin naming dalawa ‘to. At sana huwag nang makisawsaw ‘yung, alam mo na, hindi naman talaga kasali," diin ni Phoemela.



Nagulat din si Phomela nang malaman niya na si Ira mismo ang nagsabi kay Mylene na split na sila. Hindi agad nakapag-comment ang TV personality na si Phoemela.



"Talaga? Sinabi niya?" pagduda na tanong ni Phoemela.



Nang makumpirma niya na sinabi talaga ni Ira kay Mylene na break na sila, saka na lang napabuntung-hininga si Phoemela.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN