Alfred Vargas supports LJ Reyes's decision to pose for FHM


"Nagpaalam din siya sa akin kung tatanggapin na raw niya ang offer ng FHM. Sabi ko sa kanya, ‘Go!' Matagal na ‘yong offer na ‘yon sa kanya ng FHM, pero hindi niya tinanggap. Parang hindi pa raw proper time at hindi pa siya ready. Pero ngayon, okay na siya," says Alfred Vargas about LJ Reyes's decision to pose for FHM magazine.



Kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ng sexy actor na si Alfred Vargas tungkol sa lumabas na balita na nagalit diumano siya sa girlfriend niyang si LJ Reyes dahil pumayag ang young actress na mag-guest sa music video ng banda ni Carlo Aquino na Kollide para sa awitin nilang "Alaala." Hindi raw kasi nagpaalam kay Alfred si LJ, na ikinagalit diumano ng aktor.

Sa pocket interview ng ilang cast members ng Impostora kaninang tanghali ay nagpaliwanag si Alfred tungkol dito.



"Iyon pala ang itinext sa akin ni LJ kanina, pero hindi ko masyadong naintindihan dahil nasa taping pa ako nitong Impostora," panimula ni Alfred.

"No, it's not true," patuloy niya. "Alam ko ‘yung paggi-guest niya [LJ] sa MTV ni Carlo, sinabi niya ‘yon sa akin. I think a month ago pa nila 'yon ginawa. Naging good friends naman sina LJ at Carlo noong magkasama sila sa isang afternoon drama a few months ago kaya inimbita siya ni Carlo.

"At saka pagdating sa trabaho, kahit hindi nagpaalam sa akin si LJ, wala sa akin ‘yon. Hindi ako nakikialam sa trabaho niya."

Bagama't sinabi ni Alfred na sinusubukan pa lang nilang ayusin ang kanilang relasyon, lagi na silang magkasama at nagkakaalaman tungkol sa kani-kanilang trabaho. Sa katunayan, kinonsulta pa nga ni LJ si Alfred tungkol sa offer sa kanya ng nangungunang men's magazine na FHM.

"Nagpaalam din siya sa akin kung tatanggapin na raw niya ang offer ng FHM. Sabi ko sa kanya, ‘Go!' Matagal na ‘yong offer na ‘yon sa kanya ng FHM, pero hindi niya tinanggap. Parang hindi pa raw proper time at hindi pa siya ready. Pero ngayon, okay na siya.

"Hindi ko siya pinigilan dahil sexy naman talaga si LJ. Ang kapal naman ng mukha ko kung pipigilan ko siya samantalang gumawa na ako ng isang sexy coffee table book. May trust ako kay LJ, anuman ang desisyon niya sa kanyang trabaho, okay lahat sa akin ‘yon," sabi ni Alfred.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakasama si LJ sa listahan ng Top 100 Sexiest Women in the Philippines ng FHM this year.

Sa August 3 ay magsi-celebrate na sina Alfred at LJ ng kanilang third year anniversary bilang magkasintahan.

Samantala, nasa week-eight na ang soap opera ng GMA-7 na Impostora, pero ngayon pa lang nag-taping si Alfred para sa role niya bilang bagong love interest ni Iza Calzado.

"Actually, na-miss ko rin ang pagti-taping dahil last ko pang taping ay sa Muli pa," pag-amin niya. "Ngayon lang naulit, matagal-tagal din akong napahinga. Kami ni Iza, after ng Encantadia, ngayon lang kami ulit nagkasama, although may ginawa kami noon na TV commercial."

Next month, magsisimula na rin si Alfred na mag-shooting para sa 2007 Metro Manila Film Festival entry na Banal, kung saan makakasama niya si Christopher de Leon. Ito ay ididirek ni Cesar Apolinario ng GMA News & Public Affairs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN