FIRST READ ON PEP: Toni Gonzaga and director Paul Soriano confirm their relationship


TV host-actress-singer Toni Gonzaga and young director Paul Soriano admitted on national television that they are indeed an item. Toni recalls that she said "yes" to Paul last week of June.



Sa taping ng ABS-CBN morning show na Boy & Kris kaninang hapon, July 17, ay diretsahang inamin ng TV host-actress-singer na si Toni Gonzaga na sila na ng young director na si Paul Soriano.

Isa sa mga guest nina Boy Abunda at Kris Aquino si Toni para sa naturang episode na ipapalabas this coming Friday, July 20. Sorpresa lang para kay Toni ang paglabas ni Direk Paul sa programa.

Sa tanong ni Kris kay Toni kung mahal ba nito si Direk Paul ay walang kagatul-gatol siyang sumagot ng malakas na "Yes!" Sinundan ito ng tanong ni Kris kung may relasyon na silang dalawa.

Si Paul agad ang sumagot at isang matunog na "Yes!" din ang binitiwang salita ng apo ng yumaong aktor na si Nestor de Villa at anak ng commercial director na si Jeric Soriano. Ikinakilig naman ni Kris at ng mga nasa loob ng studio ang sagot ni Paul.

Nang tanungin naman si Toni kung si Paul na ba ang lalaking matagal na niyang hinihintay, sumagot ang dalaga na ang young director ang sagot sa mga dasal niya.

Tinanong din ni Kris sina Toni at Paul kung ano ang maaari nilang ipangako sa isa't isa. Ayon kay Toni ay wala raw siyang maipapangako, pero binitawan niya ang mga salitang ito para kay Paul mula sa Bibiliya: "I thank God in every remembrance of you."

Sinagot naman siya ni Paul na hango pa rin sa Bible: "My heart will always be with you."



Kuwento ni Toni sa PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng taping ng Boy & Kris, October of last year nang magkakilala sila ni Direk Paul sa concert ni Gary Valenciano sa Music Museum.



Wala raw namang naramdaman na kakaiba noon si Toni sa batang direktor dahil noong mga panahon daw na ‘yon ay meron pa raw siyang "special someone."



Hindi na binanggit ni Toni ang exact date kung kailan naging sila ni Direk Paul. Basta ang pagkakatanda raw niya ay last week of June daw niya sinagot ang direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



From Toni pa rin ay nalaman ng PEP na pormal na raw siyang ipinakilala ni Direk Paul sa buong pamilya nito—including sa apat na kapatid na lalake ng young director—kagabi, July 16. Feeling miyembro na raw siya ng pamilya Soriano at present daw lahat sa dinner na inihanda talaga para sa kanya.



Very much welcome daw si Toni sa pamilya ni Direk Paul, the same way na tanggap din ng pamilya ng dalaga ang direktor.

"Okay kay Mommy si Direk," sabi pa ni Toni.

Dagdag ni Toni, simpleng "Direk" lang daw ang tawag niya kay Paul at "Toni" naman ang tawag naman nito sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN