Never-been-kissed Jenica Garcia to do first kiss with Mart Escudero


Newcomer Jenica Garcia imagines her first kiss to be one with her Prince Charming someday. But her first real-life and onscreen kiss will be with Mart Escudero, her leading man in Impostora. He's lucky, she jokes.



Ngayong araw, July 18, naka-schedule kunan ni Direk Maryo J. delos Reyes ang kissing scene nina Jenica Garcia at Mart Escudero sa soap opera ng GMA-7 na Impostora. Hindi pa man nakukunan, ninenerbiyos na ang dalagita at nagba-blush pa nang pag-usapan ang tungkol dito.



Nabanggit ni Jenica sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na baka hindi niya makaya ang eksena dahil never pa siyang nahalikan in real life. Tinanong ng baguhang young actress ang ina niyang si Jean Garcia kung puwedeng dayain ang eksena, pero ang sagot ng ina ay may tiwala siya kay Direk Maryo J.

Pero malakas ang sigaw ni Jean nang makita ang litrato ng anak na kunwari'y hinahalikan ni Mart. Tinanong pa ng aktres kung kailan kukunan ang kissing scene ng anak at ni Mart.



"Ang ini-imagine kong first kiss ay sa boyfriend ko at mala-Cinderella ang dating. Ang mangyayari, ang first kiss ko ay utos ng direktor at isinulat ng writers. Ang suwerte ni Mart, promise! Kahit hindi ako kagandahan, pero may konti namang ganda, ‘no!" natatawang sabi ni Jenica.



Nakakatawa ang kuwento ni Jenica tungkol kay Mart noong bago pa lang silang nagti-taping ng Impostora.



"Kumpara dati, mas close na kaming dalawa," sabi ng dalaga. "Ang first impression ko sa kanya'y suplado dahil tahimik at laging nagti-text sa kanyang cell phone. Noong una, sobra siyang tahimik at walang kinakausap at sa workshop, hindi nagsasalita. Ngayon, madaldal na at sobrang lambing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN