Pia Guanio tapes her first sitcom "Ful Haus" with Vic Sotto


"Malaking tulong si Bossing Vic lalo na sa batuhan ng lines. Well, lahat naman sila dito, they make me feel so at home," says Pia Guanio about her first taping day for her sitcom with real-life boyfriend Vic Sotto.



Esklusibong dinayo ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) ang first taping day ni Pia Guanio bilang leading lady ni Vic Sotto sa bagong comedy series na Ful Haus, na kapalit ng magtatapos nang Daddy DiDoDu.

Aminadong naninibago si Pia dahil hindi naman siya gaanong sanay umarte. Pero malaking tulong daw na kasama niya si Vic sa cast kaya't nadadagdagan ang kanyang confidence sa bagong facet ng kanyang career.

"O, di ba? Dati pang-Holy Week lang ang beauty ko. Ngayon heto na, nakakatuwang isipin na umaarte na ako," kuwento ni Pia, na ang tinutukoy ang ang Holy Week drama specials ng Eat Bulaga!. Nahawakan na rin siya ng ilang batikang direktor tulad ni Joel Lamangan.

"Malaking tulong si Bossing Vic lalo na sa batuhan ng lines. Well, lahat naman sila dito, they make me feel so at home," dagdag niya.

Kitang-kita na nag-e-enjoy si Pia habang nagte-taping. Kung hindi mo nga siya kilala, aakalain mong matagal nang ginagawa ito ng showbiz news anchor-TV host.

Biniro pa namin siya na madadagdagan na naman ang hypen sa kanyang roles. Ngayon, hindi lang siya model-TV host/anchor, madadagdagan pa ito ng actress sa dulo.

"Idagdag mo na rin 'yung ‘singer'!"pagpapatawa ni Pia.

Samantala, aminado naman si Vic na matagal niya ring kinumbinsi si Pia na subukan ang pag-arte.

"Nagpapasalamat nga ako at pumayag din. Okay naman siya. Natural ang pag-arte, kailangan na lang ng konting fine tuning," pahayag ni Bossing.

Sa tuwing nakikita naming si Vic, parati namin siyang binibiro kung naitanong na niya kay Pia ang "million dollar question." Basta tungkol sa marriage proposal ang tanong, parating reserved ang sagot ng comedian.

Malapit na kaya ito lalo ngayong mag-asawa na ang role nilang dalawa ni Pia sa Ful Haus?

"Praktis na ito. Basta praktis na ito," nagbibirong sabi ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN