Sharon Cuneta excited about her reunion movie with Robin Padilla


Megastar Sharon Cuneta and action superstar Robin Padilla will be reunited on the big screen as they star in their fourth movie together. "It's nice to be working again with Binoe dahil matagal na panahon na rin ang last movie na ginawa namin," says Sharon.



Excited ang Megastar na si Sharon Cuneta sa muling pagtatambal nila ni Robin Padilla—their fourth—para sa isang film project sa ilalim ng GMA Films. Nakipag-meeting na raw si Sharon sa executives ng film arm ng GMA-7 at napag-usapan na nila kung ano ang magiging istorya ng gagawin nilang pelikula ni Robin na ididirek ni Jose Javier Reyes.



Ayon kay Sharon, hinihintay na lang daw ng GMA Films si Robin dahil kasalukuyan pa itong nagbabakasyon sa ibang bansa.



"It's a very good and exciting project and it will be my first under GMA Films. Maganda ang mga plano nila and hindi mahirap kausap ang mga taong involved sa project na ito," sabi ni Sharon sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving party na ibinigay nila ng mister niyang si Senator Kiko Pangilinan para kay Mother Lily Monteverde at sa entertainment press kagabi, July 17.



"It's nice to be working again with Binoe dahil matagal na panahon na rin ang last movie na ginawa namin. If you can recall, we first did Maging Sino Ka Man [1991], which was a very big hit and nasundan ‘yon ng Di Na Natuto [1993], which was also a big hit. The last we did was Pagdating ng Panahon [2001] and it was a hit also.



"Kaya ang tanging kakausapin na lang for a meeting is Binoe. I guess wala yata siya sa bansa when we had a meeting. Kaya nananawagan ako kay Binoe na bumalik na siya para maplantsa na ang gagawin naming pelikula. Dapat kasi this early ay maayos na because sunud-sunod din ang mga gagawin ko up to the end of the year. Gusto kong mapasama sa schedule ko this year ang movie namin ni Binoe."



Bukod sa pelikula niya with Robin, uumpisahan na rin ni Sharon ang second movie niya with Aga Muhlach sa Star Cinema. Gagampanan ng Megastar sa pelikulang ito na ididirek ni Chito Roño ang papel ng isang caregiver sa London, kung saan kukunan ang malaking bahagi ng pelikula. Ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho ng aktres si Direk Chito na matagal na niyang gustong makasama sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May pelikula rin na alok si Mother Lily para kay Shawie. Pero pag-uusapan pa kung ano ang magandang project para sa Megastar. Gusto raw kasi ni Mother Lily na maging maganda ang first Regal movie ni Sharon.



"Mother Lily has been such a generous person and hindi ko alam kung paano namin ibabalik ang ginawa niyang magandang suporta during my husband's campaign. How could you repay somebody who has been so good and so supportive from the start? Kiko and I will forever be grateful to Mother Lily, at sana in the future, marami pa siyang matulungan na mga kakandidato na makakatulong sa ating bansa," pahayag ni Sharon.



Sinabi rin ni Shawie sa entertainment press ang pinagkatagu-tago niyang text message ni Mother Lily sa kanya. Ayon sa text message ni Mother Lily ay hindi raw makukumpleto ang Regal Films unless gumawa sila ng isang Sharon Cuneta movie. For the longest time kasi ay sa Viva Films at Star Cinema lang gumagawa ng pelikula si Sharon.



"Hindi ko ‘yon binubura because the message really flattered me," sabi ni Sharon. "Pinasalamatan ko si Mother Lily for really considering me na maging Regal baby. Someday, matutuloy din ako sa paggawa ng Regal movie. In that way, I will be able to repay all the kindness that Mother Lily has given me and Kiko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN