Maricel Soriano shows some skin in her pictorial for new movie


"Pumayat ako dahil siguro binawasan ko na ang intake ko ng rice at nag-diet na talaga ako. Madalas, salad lang ang kinakain ko. Noon, I tried ‘yung South Beach. But this time, nag-e-exercise ako sa treadmill, doing cardio-vascular activities [for] fifteen minutes. Tapos, a lot of stretching," says Maricel Soriano about her exercise regimen.



Just like the bright colors of her Emilio Pucci outfit—matching colorful skirt and lavender blouse—makulay pa rin ang mga sagot ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa press conference ng bago niyang pelikula, A Love Story, kung saan for the first time ay makakatambal niya si Aga Muhlach with Angelica Panganiban. Ang nasabing pelikula ang 14th anniversary presentation ng Star Cinema.



Marami rin kasi ang pumansin sa pictorial ni Maricel na nasa press kit kung saan nagpakita ng konting skin ang aktres sa kanyang poses for ace photographer Jun de Leon. Nakikita na kahit kaunti ang cleavage ni Maricel. In the mood ba siyang magpa-sexy ng konti dahil pumayat na siya?



"Kailangan ko na ba magpakita ng cleavage?!" natatawa niyang sabi. "Hindi naman, kumportable lang ako sa kumuha sa amin sa pictorial. Makikita n'yo na talagang masaya kami nung gawin namin ito hanggang sa magtrabaho na kami sa pelikula.



"Pumayat ako dahil siguro binawasan ko na ang intake ko ng rice at nag-diet na talaga ako. Madalas, salad lang ang kinakain ko. Noon, I tried ‘yung South Beach. But this time, nag-e-exercise ako sa treadmill, doing cardio-vascular activities [for] fifteen minutes. Tapos, a lot of stretching."



Hindi ba mahirap ang mga exercises na ginagawa niya para pumayat?



"Wala namang madali, di ba? Lahat mahirap. Pero gumagaan lang siya dahil gusto mo ang ginagawa mo," sagot ng Diamond Star.



Samantala, sa bago niyang pelikula with Aga and Angelica, kahit sa trailer nito ay may twist, kaya hindi agad mawawari ng mga manonood kung sino ang tinutukoy na wife at mistress sa mga papel nila ni Angelica.



"It happens to the best of us. Sabi ko nga, lahat naman tayo, pagdating sa pag-ibig o pagmamahal, nagsasakripisyo, lalo na ang mga babae. So, ‘yung nangyari sa mga characters here, depende sa points of view ng manonood, kung sino ang makaka-relate sa characters ng dalawang babae," pahayag niya tungkol sa plot ng A Love Story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Mukhang it took a very long time para magkasama sila ni Aga sa pelikula, bagama't pareho silang Regal babies noon. Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi ito matuluy-tuloy noon gayong meron naman palang mga offers kay Maricel dati?



"Siguro, it was not meant to happen that time," sabi ni Maricel. "Ngayon ‘yung right timing. Kaya happy kami dahil talagang parang hinintay namin itong moment na ito para sa projet na ito."



Meron na bang ibabalita si Marya tungkol sa personal na takbo ng buhay niya, sa lovelife halimbawa?



"Masaya ako because I have inner peace," maikli niyang tugon.

What keeps her at peace?



"Faith in the Lord. And I know, my angels are constantly guiding me."

Sabi ni Marya, nananatiling ang mga anak pa rin niyang sina Marron at Sebastien ang apple of her eye.



Ano naman ang masasabi niya sa nalalapit na panganganak ng pamangkin niyang si Meryll Soriano?

"Okay."



Anything more?



"Nandiyan ang Mama Bec [Becbec Soriano] niya, siya ang tanungin niyo," sabay ngiti niya.



Nabalita noon na nag-resign na si Wyngard Tracy bilang manager ni Maricel, pero sa presscon ng pelikula ng aktres ay present ang naturang talent manager. Si Maricel na lang ba ang naiwan na talent ni Wyngard?



"Siguro siya rin ang makakasagot ng tanong ninyo," sabi ni Maricel. "As far as I know kasi, through the years na nagkasama kami ni Tito Wyn, para ko na siyang naging tatay, kaibigan, lahat-lahat na. And through all those years na he was in my life, siya ‘yung taong pinaniwalaan ko dahil may respeto ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN