Vilma Santos to shoot her comeback movie in November


Batangas Governor Vilma Santos finally returns to acting via Star Cinema's yet-untitled movie. The actress-politician has made a commitment to start working on the film by November.



Tuloy na ang next movie ng Star for All Seasons na si Vilma Santos for Star Cinema.

Nakapag-usap na rin sa wakas si Vilma Santos at ang film arm ng ABS-CBN for the much-delayed Star Cinema movie na dapat ay noong 2005 pa ginawa. During the presscon of A Love Story nina Maricel Soriano, Aga Muhlach, at Angelica Panganiban kahapon, July 18, napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Roxy Liquigan ng Star Cinema na sa November na ang start ng shooting ng movie ni Vi.

"Aayusin lang ni Governor ang trabaho niya tapos magli-leave siya. Sa position niya ngayon, puwede ang leave unlike noong mayor siya," paliwanag ni Roxy sa PEP kung paano masisimulan ang pelikula, lalo na't kakaupo nga lang ni Governor Vi.

Napag-alaman din naming close to the original concept of Flores de Mara pa rin ang pelikula na gagawin ni Vilma at ididirek ni Olivia Lamasan. Ang Flores de Mara ang dapat na comeback movie ni Vilma for Star Cinema noong 2005 and would be her follow-up naman for her last movie na Mano Po 3 ng Regal Entertainment.

Ang Flores de Mara ay kuwento ng isang ina na may mga anak na bakla. Originally, it would have starred Diether Ocampo, John Lloyd Cruz, and Joross Gamboa as her gay children.

Dahil sa dami ng revisions na ginagawa sa script, naunahan na ito ng isang pelikula ng Regal Films, ang Manay Po, na almost the same ang kuwento—about a mother (Cherry Pie Picache) with three gay children (Polo Ravales, John Prats, and Jiro Manio). Ang Manay Po naman ay isang original concept ng director of the movie na si Joel Lamangan noong 2003 pa and its original title was Oring, Orang, Oroses.

Dahil na rin sa kaabalahan ni Vilma, who was then on her last term as mayor of Lipa City at pati na rin sa pagkakapareho ng concept ng Flores de Mara at Manay Po, na-shelve ang Flores.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Roxy sa PEP, parang ganito pa rin ang magiging tema ng comeback movie ni Vilma Santos. Tungkol pa rin ito sa isang ina na may anak na bakla. This time, isa na lang daw sa tatlo ang magiging bakla at pasok pa rin si John Lloyd bilang isa sa mga anak niya. Iba na ang magiging casting for the roles na para kina Diether at Joross sana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN