Sharon Cuneta tackles blind item about her husband and David Celdran


Megastar Sharon Cuneta finally breaks her silence about rumors linking her husband, Senator Kiko Pangilinan (inset, top), to TV personality David Celdran (inset, below). "He's very quiet, but you know, ardent supporter, and a great friend to us. So, kabastusan ang ginagawa nilang ‘yon. Napakadisente ng pamilya ng kaibigan naming ‘yon," says Sharon about David.



Kahit masasabing lumaki na sa intriga sa showbiz ang Megastar na si Sharon Cuneta, hindi pa rin daw niya maiwasan na maapektuhan kapag may mga bagong intrigang naglalabasan, lalo pa nga't kung alam niyang imbento lang ito.



Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sharon sa thanksgiving party na ibinigay nila ng asawang si Senator Kiko Pangilinan para kay Mother Lily Monteverde at sa entertainment press last Tuesday, July 17, for the first time ay nagsalita ang Megastar tungkol sa kumakalat na isyung hiwalayan daw nila ng kanyang mister. Kasabay nito ay ang isyung pilit na inili-link si Kiko sa dating roommate nito at isa sa matalik na kaibigan na si David Celdran, kilala bilang host ng dating quiz show na Battle of the Brains.

Noong kasagsagan kasi ng kampanya para sa nakaraang May 14 elections ay may kumalat na blind item sa email. Ito ay tungkol diumano sa dalawang mag-best friends sa University of the Philippines who also shared an apartment. It was also insinuated sa naturang blind item na nagkaroon ng relasyon ang "plain-looking guy" at "very good-looking guy" other than friendship. Later on ay tinukoy na sina Kiko at David ang nasa blind item.



"Alam n'yo, nakakatawa ‘yan," panimula ni Sharon tungkol sa blind item. "Actually, ganito ‘yan, there was a point in time that they lived together because Kiko was reviewing for the bar [exam]. Sana po, medyo imadyinin n'yo kung kayo ay isa sa siyam na magkakapatid, na ang may asawa pa lang noon ay, dalawa o tatlo, so lahat magulo, di ba?



"Lahat nasa bahay nila, parang laging may circus, malaking family. So, he had to rent a house and share it. Magkaklase sila [ni David]. Ang nakakatawa, tinatawag niyang best friend si David, pero hindi naman namin nakikita all the time. Kasi nga, may kanya-kanya silang buhay, kanya-kanyang schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Right after that, nang magpakasal na kami [ni Kiko]... I'm sorry David, I'll be mentioning your name. Anyway, he's happily married. He has a beautiful wife, beautiful children. At ang joke ko nga lagi—no offense, it's only a joke—pero ang joke ko palagi kay Kiko is, ‘Kung nakilala ko una si David, si David siguro ang asawa ko!' Joke lang ‘yon!" natatawang kuwento ni Sharon.



"David is actually the ninong of Frankie [panganay nila ni Kiko]. He's very quiet, but you know, ardent supporter, and a great friend to us. So, kabastusan ang ginagawa nilang ‘yon. Napakadisente ng pamilya ng kaibigan naming ‘yon.



"And you know what, what goes around, comes around. I really believe in that. Kung effort, wow! What an effort to compose a letter and email it to everybody, to any new available technologies and spreading all these letters and lies. It's amazing! Amazing!



"At one point in time, I should be trembling in fear in what would be coming this person's way because ang Diyos, hindi natutulog. And so, we don't make it a habit, never; never to think ill of other people para lang makaisa kami, or step on other people toes. Kasi kasamaan ‘yon, e. That's evil. That's paninira ng kapwa," mahabang pahayag ni Sharon.



May idea na raw sila kung sino ang pasimuno ng mga malisyoso at negative issues sa kanilang mag-asawa. Obviously, may kinalaman pa rin ito sa pulitika at may kaugnayan pa rin sa nakaraang eleksiyon.



"Saka, if they cannot get what they want, pailalim na lang. Hindi kami ganoon, e. Ipinapasa-Diyos na lang namin ang lahat. So, basta ako, kung ano ang gawin mo, babalik sa ‘yo. At sana, sa ‘yo nga, e, kung sa pinakamamahal mo pa bawiin? Minsan ganoon, e," tahasang sabi ng Megastar.



DOMESTIC PROBLEMS? Tinanong din naming sa Megastar ang isyu na nahuli raw niyang nambabae si Kiko at sinugod niya raw ‘yung babae. Totoo ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ay, hindi!" mabilis niyang sagot. "At saka, sa tingin n'yo, kung totoo ‘yon, in these days of texting, emailing, sa age ngayon na tulad ng mga telepono at picture-picture na ‘yan, e, wala pa tayong solid evidence? Halika! Sana, meron para puntahin nating lahat.



"Kasi ako, I see my husband, hindi ko alam kung saan pa siya kukuha ng oras. Kasi, mas busy ako sa kanya. Siya ‘yung mas madalas sa bahay!" natatawang biro niya.



Kung sakaling may mabalitaan siyang ganoong pangyayari, siya ba ‘yung tipo ng asawa na manunugod?



"Ay, I'm not afraid!" bulalas niya. "Di ba, they say you act as edukada? Ay, I'm edukada, I already know it. You don't have to remind me. Edukada, not because you have a degree; but edukada ka when you know how to conduct yourself in every area of your life.



"And I think, I grew up with family na... Sa Mommy ko [Elaine Cuneta] galing ang culture at sa Daddy ko [the late Pablo Cuneta] ang cowboy. I'm thankful with that kasi hindi ko akalain na magagamit ko pala sa showbiz.



"Pero ‘yung alam kong inaagawan mo na ako ng mahal ko at ng ama ng mga anak ko, e, mananahimik pa ako? Ay, hindi, Ineng! Magdadala ako ng film crew! Sasabunutan kita, may coverage pa! Na, ‘O, eto po, napakalandi mo! At ito po ang babaeng may planong sumira sa pamilya namin!'" tawa niya.



Alam ba ni Senator Pangilinan na kaya niyang gawin ‘yon?



"Hindi, joke lang!" sabay bawi niya. "Pero sasampalin ko siya, bubugbugin ko siya!"

Napunta naman ang usapan sa balitang sinasaktan diumano siya ni Kiko. Tuloy, maging ‘yung pamamaga ng left cheek ni Sharon ay nai-connect na tipong resulta raw ng pananakit sa kanya ng asawa.

Pero naipaliwanag na nga ni Sharon na siya rin ang may kasalanan sa pagkaka-infect ng kanyang pisngi dahil bata pa lang daw siya, naging habit na niya ang pagkagat-kagat ng loob ng kanyang pisngi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi, walang puwedeng manakit sa akin, nobody!" mariin niyang sabi. "Babangon si Pablo! Ang daddy ko, ang bilin sa akin... Bata pa ako noon, wala pa kong boyfriend noon, virgin na virgin pa ako! Sabi ng daddy ko noon, ‘If a guy lays a finger on you, tapikin ka lang, e, iwanan mo na. Because that tapik may turn into sampal and then that sampal may turn into suntok. And before you know it, bugbugan na, sipaan...'



"Ang daddy kasi, marami siyang naging babae, chicks kumbaga, [and then] wife... But my father never laid a hand on any. Ang sabi ng Daddy, ‘That is a mark of a real gentleman.' At sa awa naman ng Diyos, with my both marriages [the first was with Gabby Concepcion], wala akong naranasan. I never met anybody who laid a finger on me."



Sa huli, sinabi rin ni Sharon na sa eleven years of marriage nila ni Kiko at idagdag pa ang dalawang taon nilang magkasintahan, masasabing kilalang-kilala na niya ang asawa. Kung ang pagkakaroon ng iba pang interes nito sa ibang babae ang pag-uusapan, she can say confidently na hindi ito magagawa ni Kiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN