JC de Vera and SexBomb Aifah Medina: Who's telling the truth?


She said, he said. This is the current scenario between SexBomb member Aifah Medina and young actor JC de Vera. While she claims that she still has a relationship with JC, the young actor is saying that he has broken up with Aifah.



Dapat ay mag-usap nang masinsinan sina JC de Vera at SexBomb Aifah Medina dahil hindi nagtutugma ang mga pahayag nila sa entertainment press.



Sa isang interview kay Aifah, sinasabi nito na mag-on pa sila ni JC. Nag-break daw sila last year, pero nagkabalikan na raw sila. Madalas din daw siyang sinusundo ni JC sa taping ng Daisy Siete at minsan naman ay siya ang pumupunta sa taping ng young actor sa Pati Ba Pintig ng Puso?.



Hindi raw lumalabas ng sasakyan si Aifah kapag dumadalaw siya kay JC. Hindi raw kasi puwedeng makita ang SexBomb Girl sa set dahil ang ka-loveteam ni JC ay si Yasmien Kurdi.



Hindi raw nagseselos si Aifah sa loveteam nina JC at Yasmien dahil alam niyang trabaho lang ang lahat at para ito sa ikagaganda ng career ng young actor sa GMA-7. Alam daw kasi ni Aifah na siya lang ang babae sa buhay ni JC kaya tahimik na lang siya.



Pero iba naman ang kuwento ni JC sa press. Matagal na raw tapos ang relasyon nila ni Aifah. Noong time na nag-break daw sila last year ay hindi na sila nagkabalikan. Magkaibigan na lang daw sila ngayon.



Nagulat nga raw si JC nang kumustahin ng isang reporter sa kanya si Aifah, e, matagal na raw silang hindi nagkikita ng SexBomb member. Kaya laking gulat din ng reporter dahil kailan lang niya nakausap si Aifah at sinabing lumabas pa raw sila ni JC.



Sino kaya kina JC at Aifah ang nagsasabi ng katotohanan? Pinalalabas ba ni Aifah na sinungaling si JC at pilit nitong itinatago ang relasyon nila dahil sa loveteam nila ni Yasmien? Pinalalabas din kaya ni JC na sinungaling si Aifah dahil kahit wala na silang relasyon ay pinagkakalat nito na sila pa rin?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN