Indie films dominate Urian Awards nominees


(From left) Judy Ann Santos, Gina Pareño, and Maricel Soriano are the top contenders for Best Actress in this year's Urian Awards.



Nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng listahan ng mga nominado sa Gawad Urian Awards para sa mga natatanging pelikula noong 2006.



Ayon kay Mario Hernando, isa sa mga miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino,—ang grupo ng mga kritiko na siyang nag-oorganisa't nagbibigay ng Urian Awards—dapat ay sa August pa ang Urian, pero sa September na raw ito gaganapin. Ang target venue ng Urian 2007 ay sa Meralco Theater, Ortigas, Pasig City.



Tulad ng mga nakaraang taon, ang APT Entertainment, Inc. nina Antonio Tuviera at Malou Choa-Fagar, producers ng Eat Bulaga!, ang siyang magpu-produce ng Gawad Urian event para sa taong ito.

Ang mga nominado this year para sa Best Picture ay Huling Balyan ng Buhi; Kasal, Kasali, Kasalo; Kaleldo; Kubrador; Manoro; Rome & Juliet; at Todos, Todos, Teros.

Best Director nominees naman sina Brillante Mendoza (Kaleldo and Manoro); Connie Macatuno (Rome & Juliet); Jeffrey Jeturian (Kubrador); Jose Javier Reyes (Kasal, Kasali, Kasalo); John Torres (Todos, Todos, Teros); Joel Lamangan (ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh); at Sherad Anthony Sanchez (Huling Balyan ng Buhi).

Walo ang maglalaban-laban para Best Actress: Maricel Soriano (Inang Yaya), Judy Ann Santos, (Kasal, Kasali, Kasalo), Cherry Pie Picache (Kaleldo), Angel Aquino (Kaleldo), Gina Pareño (Kubrador), Jonalyn Ablong (Manoro), Mylene Dizon (Rome & Juliet), at Andrea del Rosario (Rome & Juliet).

Inaasahan na magiging mahigpit ang labanan nina Maricel, Judy Ann, at Gina para sa Best Actress.

This year ay nag-tie sina Maricel at Gina para sa Best Actress-Drama sa Golden Screen Awards ng Enpress. Si Judy Ann ay nakakadalawang tropeyo na, from Star Awards for Movies ng PMPC at Golden Screen Awards (Best Actress-Musical).



Ilang beses nang na-nominate si Marya sa Urian, pero mailap pa rin ang tropeyo sa Diamond Star.



Bukod sa Golden Screen Awards ay pinarangalan na si Gina sa iba't ibang international film festivals para sa pagganap niya sa Kubrador—AmiensInternational Film Festival sa France, Independent International Film Festival sa Belgium, at Osian Cine Fan Film Festival sa India.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Para sa kategoryang Best Actor, pito naman ang maglalaban-laban: Ryan Agoncillo (Kasal, Kasali, Kasalo), Mark Gil (Rotonda), Rustom Padilla (ZsaZsa Zaturnnah), Alchris Galura (Batad Sa Daang Palay), Mario Magalona (Rekados), Jett Pangan (Tulad ng Dati), at Sid Lucero (Donsol).



Nanalo na si Alchris, kapatid ni Glaiza de Castro, para sa Batad bilang Best Actor for Drama at si Sid bilang Breakthrough Performance by An Actor for Donsol sa Golden Screen Awards.



Para sa Best Supporting Actress category, walo rin ang magtutunggali: Liza Lorena (Inang Yaya), Gloria Diaz (Kasal, Kasali, Kasalo), Tala Santos (Inang Yaya), Tessie Tomas (Rome & Juliet), Agot Isidro (Tulad ng Dati), Gina Pareño (Kasal, Kasali, Kasalo), Pops Fernandez (ZsaZsa Zaturnnah), at Meryll Soriano (Rotonda).



Nagwagi ang child actress na si Tala sa Star Awards for Movies ng PMPC bilang Best Child Performer, pero since walang ganitong kategorya ang Gawad Urian, napabilang siya sa supporting category, kalaban ng mga adult performers.



For Best Supporting Actor, ang mga nominado ay sina: Ping Medina (Tulad ng Dati), Rafael Rosell (Rome & Juliet), Allan Paule (Kaleldo), Lauren Novero (Kaleldo), Archie Adamos (Raket ni Nanay), Jeffrey Quizon (Rotonda), Soliman Cruz (Kasal, Kasali, Kasalo), at Domingo Landicho (Kubrador).



Titles lang ng movies ang nakuha ng PEP sa mga nominado para sa technical awards.



Best Sound: Kaleldo; Kubrador; Raket ni Nanay; Tulad ng Dati; Zsa ZsaZaturnnah

Best Musical Scoring: Huling Balyan ng Buhi; Kaleldo; Kubrador; Manoro; Tulad ng Dati; ZsaZsa Zaturnnah

Best Editing: Kasal, Kasali, Kasalo; Kaleldo; Kubrador; Pamana; Rome & Juliet; Rotonda; Todos, Todos, Teros

Cinematography: Kaleldo; Kubrador; Huling Balyan ng Lahi; Manoro, Pamana; Raket ni Nanay; Rome & Juliet; Rotonda

Production Design: Kaleldo, Kubrador, Huling Balyan ng Lahi, Manoro, Rome and Juliet, Rotonda, Zsa Zsa Zaturnnah

Screenplay: Huling Balyan ng Lahi; Kaleldo; Kasal, Kasali, Kasalo; Kubrador; Manoro; Rome and Juliet; Todos, Todos, Teros; Zsa Zsa Zaturnnah

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN